MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

22 Hunyo 2022

Naging matagumpay ang isinagawang pagsasanay ng PCUP – Field Operations Division for Mindanao (FODM) na may pamagat na Leadership Management, Character Building and Alternative Dispute Management na ginanap nito lamang ika-14 ng Hunyo sa Samal Island City College, Island Garden City of Samal.
 
Dito ay nagsilbing resource speakers sina Mr Richard Salvador Jimenez—Head, Guidance Center, Samal Island City College, Mr. Manuel C. Cordenillo—Psycho Therapist mula sa Mindanao Pranic Healing Center, Mr. Carlito G. Echavez—ADR Facilitator at si retired PCUP Area Coordinator, Atty. Eleazar E. Lape na siyang Human Settlement Division Head at si Ms. Elenita Gian—CPDO, OIC.
 
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ni Ms. Marilou A. Tarona—PCUP Supervising Area Coordinator at aktibo namang nilahukan ng 35 na mga urban poor leaders mula sa Villarica Homeowners Association, Inc. (HOAI), Sunrise HOAI, Palmera HOAI, Dreamville HOAI, Babak HOAI, Bugo HOAI, New Breeze Pag asa HOAI at Huabee HOAI. ###
 
via | PCUP Mindanao