MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

22 Hunyo 2022

Sa pagtatapos ng termino ng mga kasalukuyang opisyales ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), isang talakayan hinggil sa magiging transition plan ang ginanap noong Hunyo 21, sa Calubcub Bay Resort Session Hall, San Juan, Batangas.
 
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, kasama ang mga commissioners ng PCUP na sina Comm. Norman B. Baloro, at Comm. Romeo H. Jandugan.
 
Nagsilbi namang tagapagpadaloy ng programa si RPMD Chief Ms. Elsie A. Aradanas. Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang mga Field Operations Division Heads na sina Ms. Olympia DC. Micor ng FOD NCR, Mr. Robert U. Bonifacio ng FOD Luzon, Mr. Neil Victor C. Saril ng FOD Visayas, at Atty. Ferdinand C. Iman ng FOD Mindanao.
 
Nakibahagi rin sa aktibidad sina Chief Administrative Officer Mr. Ralph Anthony S. Cortez, Cash Unit Head Ms. Editha M. Vistro, HRMU Head Ms. Ma. Jesusa C. Gapac, Budget Officer Ms. Vicky T. CaƱafranca, SPGSU Head Mr. Crispulo Calicdan, PCUP Employees Association President Mr. Jose Jonas Q. Centeno, at iba pang mga piling empleyado ng Komisyon.
 
Samantala, buo ang tiwala ng pamunuan ng Komisyon na ang lahat ng mga napag-usapan at nailatag na suhestiyon at concerns sa programa ay makatutulong nang malaki para sa mas maayos na pagpapalit ng administrasyon ng PCUP. ###