MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

29 Hunyo 2022

Pinamunuan ng PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) ang isang Pre-Demolition Conference (PDC) para sa kaso ng demolisyon at ebiksyon sa Brgy. Bancao-Bancao, Puerto Princesa, Palawan.
 
Ani Presiding Officer, Mr. Robert U. Bonifacio, nirerespeto ng PCUP kung ang mga apektadong pamilya ay mas pipiliin na gumamit ng iba pang legal na paraan. Ani rin niya, sa kabila ng pagrerespeto nito ay nakiusap ito na bigyang pagkakataoon ang iba’t ibang ahensya ng pamahalan na gampanan ang kanilang mga responsibilidad na siguruhin ang assistance sa mga kwalipikadong pamilya. Nilinaw din nito na ang PDC ay isang ‘conciliation proceeding’ at layunin nito na masiguro ang mandatory requirements ng RA 7279 o Urban Development and Housing Act (UDHA).
 
Pansamantalang isinuspinde ang PDC upang bigyang-daan sa pagsasagawa ng socio-economic profiling ng LGU sa mga apektadong pamilya habang nagpahayag naman ang NHA at LGU na bibigyang pansin ang pangangailangan ng mga kwalipikadong pamilya. ###
 
via | PCUP Luzon