30 Hunyo 2022

Nagbaba ng isang Capability Building Program: TESDA Community-based Skills Training ang PCUP – Resettlement Unit (ResU) para sa mga residente ng MyCabanatuan Resettlement Project, Barangay Kalikid Sur, Cabanatuan, Nueva Ecija noong ika-28 ng Hunyo.
 
Sa tulong ng TESDA, nabahagian ng mga kaalaman ang mga dumalo ukol sa paggawa ng dishwashing liquid, fabric conditioner at detergent powder.
 
Masaya ring nakatanggap ng health kits at stater kits ang mga kalahok sa pagsasanay sa pagtatapos ng programa. ###
 
via | PCUP Resettlement Unit