MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

30 Hunyo 2022

Aktibong nakiisa ang PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) nitong ika-28 ng Hunyo sa ginanap na Project Inter-Agency Committee (PIAC) Meeting kaugnay ng pagsasagawa ng Clark Dolores Access Road at Philippine Coast Guard K9 Training Facility sa Clark, Pampanga.
 
Tinalakay sa pagpupulong ang assistance na dapat matanggap ng mga apektadong pamilya para sa pagpapatupad ng nasabing proyekto. Ang Clark Development Corporation (CDC) ay may nakalaan na financial assistance para sa 146 na apektadong pamilya ngunit ayon sa Commission on Audit (COA) ay wala itong sapat na basehan.
 
Kasunod nito ay pinaalalahanan naman ng PCUP ang komite ukol sa mahigpit na pagsunod sa Section 28 ng RA 7279 o Urban Development and Housing Act (UDHA) at ipinaalam na ang proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan ay sumasailalim sa Administrative Cases na kung saan sa pagpapatupad ng demolisyon at ebiksyon ay mandatory ang pagbibigay ng relocation sa mga underprivileged and homeless citizens na maaapektuhan ng proyekto at hindi opsyon ang pagbibigay ng financial assistance bilang kapalit. ###
 
via | PCUP Luzon