30 Hunyo 2022

Nagsagawa ng isang pagsasanay ukol sa RA 9710 o ang Magna Carta of Women at Organizational Leadership ang PCUP – Field Operations Division for Mindanao (FODM) kahapon, ika-29 ng Hunyo katuwang ang Housing and Land Management Division ng Zamboanga City para sa 36 miyembro ng Urban Poor at Homeowners Associations ng Women’s Federation sa lungsod ng Zamboanga.
 
Dito ay nagsilbing resource person si Mr. Jhon Vincent R. Sagayno, RSW na nagbigay rin ng workshop na may kinalaman sa Magna Carta of Women, lifeline at personality test.
 
Tinalakay rin sa nasabing pagsasanay ang tungkol sa iba’t-ibang klase ng pagiging lider kung saan ibinahagi naman ng mga kalahok ang kanilang mga karanasan at ideya ukol sa pamumuno sa isang organisasyon. ###
 
via | PCUP Mindanao