MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community
 
Nakiisa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Visayas (FODV) sa Division for the Welfare of the Urban Poor (DWUP) sa pagdiriwang ng Urban Development and Housing Act of 1992 (UDHA) ng Cebu City na ginanap noong Marso 05.
Ang pagdiriwang ay nagsimula sa isang konsultasyon sa pamayanan tungkol sa mga isyu na may kinalaman sa pabahay at isang panayam sa Magna Carta para sa urban poor sa Barangay Basak Pardo, Cebu City.
Ang UDHA o ang RA 7279 ay isang batas na magkakaloob para sa isang komprehensibo at patuloy na programa sa pag-unlad ng mga pabahay gayundin ay itinataguyod ang mekanismo para sa pagpapatupad nito at para sa iba pang mga layunin na naaprubahan noong Marso 24, 1992.
Ang mga ganitong inisyatiba ay patuloy na isinusulong ni PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano para sa kapakinabangan ng maralitang sektor sa buong panig ng bansa at matulungan ang mga ito na maiangat ang antas ng pamumuhay.
via | PCUP Visayas