MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community
Nakibahagi ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Luzon (FODL) sa Local Housing Board and Beneficiary Selection Meeting sa Binmaley, Pangasinan noong ika-30 ng Marso sa pamamagitan ng Google Meet. Layunin nito na mapag-usapan ang relokasyon para sa mga Informal Settlers na nakatira sa danger zones tulad ng tabing-ilog at tulay, at upang matukoy ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng ‘Binmaley Resettlement Project’.
Personal na dumalo si Hon. Simplicio Rosario—Mayor ng Binmaley, at nagbigay ng mensahe patungkol sa kahalagahan ng pabahay para sa mga maralita. Aniya, nais niyang tawagin ang proyekto bilang ‘Binmaley Socialized Housing Project’ upang maipabatid sa mga maralita ang mensahe na ang proyektong ito ay para sa kanila.
Sa pamamagitan naman ni Ms. Ma. Elizabeth B. Avila—Area Coordinator ng Pangasinan—ay iginiit ng PCUP ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang Local Inter-Agency Committee (LIAC) na siyang tututok sa relokasyon, dokumentasyon at pagsusuri sa mga posibleng benepisyaryo ng pabahay. Para kay Ms. Avila, mahalagang maisakatuparan ang mga tamang proseso para sa mga diskwalipikadong pamilya na tutol sa pag-alis sa kanilang tirahan, kabilang na rito ang Pre-Demolition Conference (PDC).
Sa huli, napagdesisyunan ng lahat ang mas masusing pag-aaral at pagsusuri sa mga apektadong pamilya ng proyekto. Sinang-ayunan din ng lahat na makikipag-ugnayan ang Binmaley Municipal Planning and Development Office (MPDO) kay Eng. Alvin Bigay—Head of Provincial Housing and Urban Development Coordinating Office, sa paglalatag ng Guidelines sa pagpili ng Benepisyaryo.
Ang pakikibahagi ng PCUP sa mga ganitong pulong sa ilalim ng pamumuno ni Chairman/CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano ay patunay sa sinseridad ng Komisyon sa pagtutok sa kapakanan ng mga maralitang tagalungsod lalo na sa usaping seguridad sa paninirahan.
via | PCUP Luzon