MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community
Sa pangunguna ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Mindanao (FODM) ay isang pagsasanay hinggil sa oyster mushroom production ang naisagawa noong Marso 23 para sa 25 na mga kalahok na ginanap sa CMU Mushroom Center, Valencia City, Bukidnon.
Naimbitahan upang maging tagapagsalita sa aktibidad na ito sina Mr. Mark Gregory B. Alovera, Revelieta B. Alovera, Ph.D, at Ms. Guia G. Saludares—CMU Special Project Head ng CMU Mushroom Center na mula sa Central Mindanao University College of Agriculture na nagbahagi ng kanilang kaalaman kaugnay sa nasabing paksa.
Bukod dito ay tinalakay rin ni Ms. Lilibeth Tigulo—PCUP support staff ang Gender and Development Awareness na isa sa mga paksang ibinabahagi ng Komisyon sa maralitang sektor sa buong panig ng bansa sa ilalim ng direktiba ni PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano.
Nagpasalamat naman ang lahat ng mga naging kalahok sa programa dahil sa mga bagong kaalaman na kanilang natutunan.
via | PCUP Mindanao