MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community
Pinangunahan ni Commissioner Randy Halasan ang pagpupulong kasama ang Social Enterprise Unit na sina Rosemarie Makimkim at Eunice Teodoro, pati na ang Field Operation Division of Mindanao (FODM) via Zoom Meeting tungkol sa mga updates na inindorso ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang ating mga kwalipikadong Urban Poor sa pamamagitan ng kanilang programang Sustainable Livelihood Program (SLP). Pinagtibay din sa pagpupulong na ito ang kahalagahan ng koordinasyon ng FODM ng PCUP at Regional Level ng DSWD ng Mindanao upang mapabilis ang ugnayan at implementasyon ng programang SLP.
Sa ngalan ni Chairperson/CEO Alvin S. Feliciano, patuloy na isinusulong ng PCUP ang mga programang makatutulong sa bawat maralitang tagalunsod sa kabila nang bantang dulot ng pandemyang COVID-19.