MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of one or more people and people standing

30 Abril 2021

Cebu City - Nangasiwa ng isang “Community Planning and Consultation” ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) para sa mga residente ng Riverside HOA sa Barangay Quiot, Cebu City noong Abril 13 sa pangunguna ng Field Operations Division for Visayas (FODV).

Pinag-usapan sa naturang konsultasyon ang mga problema o suliranin ng komunidad gaya ng seguridad sa paninirahan, maayos na koneksyon ng elektrisidad, drainage, gayundin ang tubig at pagkolekta sa mga basura. Nabigyan din ang mga nasabing residente ng mga kinakailangang tulong para sa paghahanda ng kanilang action plan na magreresolba ng mga isyung nailatag.
 
Patuloy naman ang pagbibigay ng mga oryentasyon at konsultasyon ng PCUP sa mga maralitang komunidad na nangangailangan sa pangunguna ni Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano upang maghatid ng mga bagong kaalaman ukol sa usaping paninirahan at iba pang kaugnay na paksa. ###
 
via | PCUP Visayas