MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 9 people and text

30 Abril 2021

Quezon City - Nagkaroon ng pulong via Zoom kahapon, Abril 29 ang mga miyembro ng Accreditation Committee ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) upang magsagawa ng deliberasyon hinggil sa aplikasyon ng 41 Urban Poor Organizations (UPOs) na nais magpa-akredit sa Komisyon.

Ang mga nasabing UPOs ay mula sa iba’t ibang bahagi ng NCR kabilang na ang Lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas, Marikina, Manila, Pasay, Taguig, Muntinlupa, at Quezon City.
 
Sa pagtatapos ng deliberasyon, 34 na aplikasyon ang naaprubahan ng Komite habang ang natitira namang pitong UPOs ay sasailalim pa sa pagsusumite at pagkumpleto ng mga kinakailangang dokumento.
 
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng Accreditation Caravan na isinusulong ni PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano na siyang magtataguyod ng malawakang akreditasyon hindi lamang sa NCR kundi maging sa buong bansa upang magkaroon ng aktibong pakikibahagi ang lahat ng maralitang samahan sa mga programa at proyekto ng Komisyon at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa kanilang kapakinabangan. ###
 
via | PCUP NCR