MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of one or more people and people standing

30 Abril 2021

Davao City - Bilang pagpapaigting sa kampanya na maiwasan at puksain ang pagkalat ng COVID-19 ay isang oryentasyon hinggil sa COVID-19 Prevention and Control Measures ang isinagawa ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Mindanao (FODM) sa Barangay Matina Crossing, Davao City na dinaluhan ng 42 kalahok mula sa 17 iba’t ibang Urban Poor Organizations (UPOs) sa pangangasiwa ni Ms. Mimia D. Canja—PCUP Mindanao Area Coordinator.

Ito ay pinangunahan ni PCUP Commissioner Norman B. Baloro at FODM Chief of Operations, Atty. Ferdinand C. Iman na nagbigay ng kani-kanilang mensahe ng pagbati at pasasalamat para sa presensya ng mga miyembro ng iba’t ibang UPOs sa rehiyon.
 
Tampok naman sa naturang oryentasyon ang talakayan hinggil sa mga pamamaraan upang makaiwas sa virus gayundin ang mga tamang impormasyon patungkol sa pagpapabakuna at ang epekto nito sa katawan. Ibinahagi rin sa aktibidad ang mga GAD at PCUP programs na patuloy na isinusulong ng Komisyon sa ilalim ng pamumuno ni Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano para sa kapakinabangan ng maralitang tagalungsod.
 
Samantala, bukod sa seminar at pagbabahagi ng kaalaman sa mga residente ay namahagi rin ng COVID-19 protection kits ang PCUP sa lahat ng nakilahok bilang dagdag proteksyon ng mga ito laban sa virus. ###
 
via | PCUP Mindanao