May be an image of 1 person, standing and text that says 'COMMISSION FOR OOR REPUBLIKAGPILIPINAS HOOD 1986 Naniniwala po ang PCUP na malaki ang gampanin at maitutulong ng OSG sa pagresolba ng problemang kinakaharap ng mga residente ng Pangarap Village sa North Caloocan City hinggil sa pag-aako ng CDI sa lupaing kanilang mahigit dekada nang tinitirhan lalo na't sila ay kumakatawan sa gobyerno sa lahat ng pagpaparehistro ng lupa at mga kaugnay na paglilitis gayundin ay magtaguyod ng mga aksyon para sa pagbabalik sa gobyerno ng mga lupaing pampubliko. Pahayag ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano hinggil sa usapin ng Pangarap Village f www.facebook.com/PCUPOfficial www.pcup.gov.ph (02) 8-362-0220'

3 Mayo 2021

Kasunod ng paghingi ng tulong sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ng mga residente ng Pangarap Village kaugnay sa pag-aako ng isang pribadong kompanya sa lupaing mahigit dekada nang tinitirhan ng mga residente roon ay nagpadala na rin ng sulat kay Solicitor General Jose C. Calida si PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano upang humingi ng aksyon at rekomendasyon para sa "cancellation of title and reversion" laban sa naturang pribadong kompanya.
 
Naniniwala ang PCUP na sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) ay mas mapapabilis ang pagresolba ng isyu at suliraning kinakaharap ng mga residente ng Pangarap lalo na't hanggang ngayon ay nananatili ang kanilang pangamba para sa kanilang kaligtasan dulot ng mga alegasyon at ulat ng 'di umano'y panghaharas at patuloy na demolisyon at ebiksyon na nangyayari sa lugar. ###