MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of one or more people, people standing and outdoors

3 Mayo 2021

Cebu - Umabot sa 368 kilo ng Takakura fertilizers ang masayang inani ng Purok Dapdap HOA ng Toledo City noong Marso 24 na kung saan ay umabot sa 5, 520 piso ang kinita ng mga ito na siya rin ngayong pinagkakakitaan ng mga miyembro ng Sto. Niño HOA na kumita rin ng 4, 500 piso mula sa 300 kilong Takakura fertilizers na kanila ring naani.
 
Matatandaan na parehong dumalo ang mga nabanggit na Urban Poor Organizations (UPOs) sa isinagawang pagsasanay ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Visayas (FODV) hinggil sa Household Waste Management at Takakura Composting noong nakaraang taon at ngayon nga ay kanila nang ginagamit ang mga natutunan para kumita ng pera kaya naman ay laking pasasalamat ng mga ito sa Komisyon
.
Ayon kay PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano, patuloy na magbababa ang Komisyon ng mga kahalintulad na aktibidad at programa para makapagbigay ng mga bagong kaalaman at kasanayan sa mga komunidad ng maralita na malaking tulong upang makapagtayo ng negosyo at magbigay ng dagdag kita sa mga kababayang nawalan ng hanapbuhay bunsod ng pandemya. ###
 
via | PCUP Visayas