MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 1 person, screen and text

3 Mayo 2021

Pasig City - Sa patuloy na pagsusulong ng malawakang akreditasyon sa bansa ay isa muling Accreditation Caravan ang pinangasiwaan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) para sa mga maralitang samahan sa Pasig City na ginanap via Zoom noong Mayo 01.
 
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng inisyatiba ni PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano na bumuo ng mas malakas na kinatawan at representasyon ng sektor ng maralita sa mga konsultasyon at pagbubuo ng mga polisiya’t programa na may kinalaman sa interes at pag-unlad ng mga ito sa pamamagitan ng pag-accredit ng mga Urban Poor Organizations o UPOs.
 
Samantala, tuloy-tuloy namang aarangkada ang naturang caravan hindi lamang sa kamaynilaan kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa para sa higit na kapakinabangan ng maralitang tagalungsod. ###
 
via | PCUP NCR