MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

No photo description available.

3 Mayo 2021

Caloocan - Muling nagsagawa ng site inspection ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) at ang Bureau of Plants Industry (BPI) sa pamamagitan ni Mr. Radny Espera sa Lungosd ng Caloocan noong ika-30 ng Abril.

Kabilang sa mga nabisita ng PCUP at BPI ay ang East Libis Homeowners Association, Inc. ng Barangay 160, Zone 14, District 1, Kabatuhan Villagers Association, Inc. na mula naman sa Kabatuhan Road, Barangay 168 Deparo gayundin ang Area-D Camarin Neighborhood Asoociation Inc. sa San Vicente Ferrer, Barangay 178, Camarin, Caloocan.
 
Layon ng aktibidad na ito na suriin at tukuyin ang mga komunidad ng maralita sa bahaging NCR para sa posibleng pagtatayo ng halamanan o gulayan pati na rin ang pagpapalago ng mga urban gardening tools na makatutulong sa sektor ng mahihirap na magtaguyod ng programa para sa seguridad sa pagkain at negosyo lalo na sa panahon ng pandemya na siya ring sinusuportahan ni PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano. ###
 
via | PCUP NCR