MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 1 person, standing and outdoors

3 Mayo 2021

Davao del Norte - Nagsagawa ng isang Basic Orientation Seminar (BOS) ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Mindanao (FODM) noong ika-29 hanggang 30 ng Abril hinggil sa mga programa at serbisyo ng Komisyon gaya ng Accreditation Caravan at iba pa na dinaluhan ng 47 miyembro ng walong iba’t ibang Urban Poor Organzanizations (UPOs) ng Davao del Norte na ginanap sa New Breeze Pag-asa Multi-purpose Hall, Barangay, Tambo, Babak District, Island Garden City of Samal, Davao del Norte.
 
Nagbigay daan din ang naturang BOS para sa isang konsultasyon kaugnay sa mga TESDA skills training na kailangan ng mga residente sa lugar gayundin ay inilatag ng mga kalahok ang kanilang mga suliranin at problemang kinakaharap gaya ng pagkuha ng driver’s license na agad namang tinugunan ng Komisyon sa tulong ng LTO at TESDA.
 
Bukod dito ay naipaliwanag din sa mga kalahok ang mga serbisyo at programa ng PCUP na ibababa sa Mindanao region partikular na ang Accreditation Caravan at Mini Caravan na magbibigay ng pinagsama-samang serbisyo ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan at ilang pribadong kompanya sa mamamayan.
 
Samantala, tuloy-tuloy naman sa pagsusulong ng mga ganitong aktibidad si PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano lalo na’t malaking kapakinabangan ito sa mga kababayang mahihirap gayundin ay mas mailapit pa ang mga ito sa mas malawak na oportunidad mula sa gobyerno. ###
 
via | PCUP Mindanao