MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 1 person and text that says 'CAPABILITY BUILDING PROGRAM AUDIO VISUAL PRESENTATION MODULE LEADERSHIP -ORGANIZATIONAL MANAGEMENT -PARTICIPATORY GOVERNANCE BY:PCUP TESDAVignette LOWW.SONTORT. @60V0219 KapitBaig. #PCUPATYOURSERVICE pcup.gov.ph (02) 8-362-0220 PCUPOfficial <a href=

09 Hunyo 2021

Nanguna ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) sa pamamagitan ng mga Area Coordinators sa pagsasagawa ng isang Capacity Building Program (CBP) on Organizational Management, kahapon ika-08 ng Hunyo via Zoom.
 
Nilahukan ang virtual seminar ng mga lider at opisyales mula sa mga urban poor organizations (UPOs) ng Maynila tulad ng Samahang Magkakapitbahay sa Slip 0, Inc., Kabitbahayan Association, Inc., Samahang Kapitbisig ng Basilio NA, Inc., at Benita Community NA, Inc.
 
Ang mga katulad na seminar ang patuloy na isinusulong ng Komisyon, ayon na rin sa direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang mabigyan ng tsansa ang maralitang tagalungsod sa bagong kaalaman para sa kanilang ikakaunlad. ###
 
via | PCUP NCR