MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of ‎text that says '‎RCPD REGIONAL CONFERENCE FOR PEACE AND DEVELOPMENT DILG +1986+ ے 1 ZAMPEN #PCUPATYOURSERVICE pcup.gov.ph (02) 8-362-0220 PCUPOfficial <a href=

09 Hunyo 2021

Aktibong dumalo ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Field Operations Division for Mindanao (FODM) sa ginanap na Regional Conference for Peace and Development (RCPD) of the Sectoral Unification, Capacity-Building, Empowerment and Mobilization (SUCBEM) Cluster IX, noong ika-21 hanggang 22 ng Mayo 2021 via Zoom VTC.
 
Nirepresenta nina Atty. Ferdinand C. Iman—PCUP-FODM Chief-of-Operations at ni Ms. Bessie Mae M. Tronco—PCUP-FODM Assistant Head/Supervising Area Coordinator for Region IX, ang PCUP sa naturang pulong.
 
Ang Regional Peace and Development Agenda ay binalangkas mula sa mga inputs mula sa iba’t ibang stakeholders sa rehiyon tulad ng mga kabataan, katutubo, manggagawa, magsasaka-mangingisda, kababaihan, at ang sektor ng maralita. Nasa agenda rin ang mga isyu na nakakaapekto sa mga sektor na ito at ang mga rekomendasyon nila para sa gobyerno para maisama sa Pre-SONA National Assembly na maaring iulat sa nalalapit na SONA ni President Rodrigo Roa Duterte.
Prinesenta rin sa pulong ang mga proposal ng mga sektor sa mga government representatives na pinangunahan ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje—Tagapanggulo ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) IX Secretariat.
 
Nagkaroon din ng open forum kung saan sinagot ni Atty. Iman ang mga katanungan ng mga lumahok sa aspeto ng maralitang sektor.
 
Ang mga ganitong pulong ay isinusulong ng Komisyon, ayon na rin sa direktiba ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang masiguro na nababantayan ang kapakanan ng mga maralitang tagalungsod. ###
 
via | PCUP Mindanao