MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

FDD15353 970A 472A A98B 8FAFEDB2CB32

09 Hunyo 2021

Rizal - Upang higit na ipakilala ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa mga kasapi ng Kabalikat SV-8C Group HOAI, mismong nagtungo ang Field Operations Division for Luzon (FODL) sa Rodriguez, Rizal noong ika-05 ng Hunyo sa pangunguna ni Ms. Kimberly Edraisa—PCUP Luzon Area Coordinator.

Tinalakay ni Ms. Edraisa sa mga miyembro ng naturang samahan ang mandato, mga pangunahing programa at serbisyo ng Komisyon kabilang na ang Three (3) Priority Programs at ang pakikipag-ugnayan nito sa TESDA para sa libreng skills training at scholarship programs.

Binigyang kaalaman din ng PCUP ang Kabalikat HOAI ukol sa kahalagahan ng akreditasyon bilang isang proseso ng pagsusuri sa mga samahan upang masiguro ang representasyon ng mga maralita. Mahalaga ito upang matiyak na ang pakikibahagi sa pormulasyon at rekomendasyon ng mga programa at polisiya sa pamahalaan ay nagmumula sa sektor ng mahihirap.

Bahagi ang nasabing aktibidad ng mga inisyatibang patuloy na isinusulong ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang mas palawigin ang paghahatid ng serbisyo sa mga maralitang tagalungsod at maging tapat sa mandato nitong magsilbing tulay sa pagkamit ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan direkta sa taumbayan. ###

via | PCUP Luzon