MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

0FDEB03C 35DA 4CB9 97D5 B1B26D8B2077

09 Hunyo 2021

Malabon - Lumahok ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Field Operations Division for NCR (FOR-NCR) sa isang Consultation Meeting kasama ang mga Informal Settler Families (ISFs) ng Brgy. Potrero sa Malabon, kahapon ika-08 ng Hunyo 2021.

Ang naturang pulong ay tungkol sa mga ISFs na nakatira sa waterways na maaring maapektuhan ng mga proyekto ng gobyerno.

Parte ng diskusyon ang paghihingi ng assistance ng nga residente sa PCUP sa napipintong demolisyon ng kanilang area.

Ipinaliwanag naman ni Ms. Olympia DC. Micor, Officicer-in-Charge,FOD-NCR na kailangan dumaan sa proseso ang lahat ng mga proyekto ng gobyerno. Kasama rin sa kanyang ipinaliwanag ang paggawa ng liham ukol sa isyu ng mga ito upang ma-indorso ng Komisyon sa Opisina ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta.

Ang mga ganitong pulong ang sinususugan ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na magkakaloob ng seguridad sa buhay ng maralitang tagalungsod. ###

via | PCUP NCR