MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 5 people and text that says 'Recording Nicole Beatosscreen View ptions LAGUNA Ghie Garcia Û/C SHFC Nicole Be... NiñoMangal... A lagan Hannah Gomez Local Inter-Agency Committee Meeting with the Local Government Unit of Santa Rosa c Gabayan 10 2021 (Thu) 9AM Web Meeting via Zoom CUDHO CUDHO #PCUPATYOURSERVICE SHFCPatVi... pcup.gov.ph Jenney Sama... M Melannie (02)8-362-0220 PCUPOfficial <a href=

10 Hunyo 2021

Naging maayos ang pagsasagawa ng Sta. Rosa – Local Inter-Agency Committee Meeting ngayong araw, ika-10 ng Hunyo na dinaluhan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Luzon (FODL) at ng DOTr Social Preparation Team sa pamamagitan nina Mr. Victor Allan C. Ilagan at Mr. Niño Mangaliag.
 
Layon ng pulong na pag-usapan ang direksyon ng relokasyon para sa 141 Informal Settler Families (ISFs) sa Santa Rosa, Laguna na maaapektuhan ng PNR North-South Commuter Railway Extension Project.
 
Kinilala naman ang karanasan ng PCUP sa pakikiisa sa mga ganitong aktibidad na anila ay makatutulong sa gaganaping BSAAC Workshop na may layuning muling suriin ang proseso at mga pamantayan ng deliberasyon sa mga project affected persons (PAPs) na paraan din upang maiwasan ang ilegal na paninirahan.
Napag-usapan ang mga aplikasyon at pagpapasa ng requirements ng ISFs kung saan ay lumalabas na ang ilan sa kanila ay nahihirapan na sumunod—pangunahing dahilan nito ay pinansyal. Napagkasunduan na ang mga barangay ay magpapaabot ng tulong sa mga PAPs na kanilang nasasakupan upang masolusyunan ang problema.
 
Napagkasunduan din na buhaying muli ang DOTr Livelihood Subcommittee. Layunin nito na mapabuti ang estadong pangkabuhayan ng mga PAPs sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagsasanay, pautang at pagkuha ng trabaho sa tulong na rin ng iba’t ibang ahensya.
 
Ang mga ganitong pulong ay patuloy na dinadaluhan ng PCUP, ayon na rin sa direktiba ni Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang tiyakin ang makatarungan at makataong demolisyon para sa kapakanan ng maralitang tagalungsod. ###
 
via | PCUP Luzon