MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of one or more people

10 Hunyo 2021

Matagumpay na idinaos kahapon, Hunyo 09 sa Binangonan, Rizal ang unang pampublikong konsultasyon hinggil sa pagtatayo ng Creek Wall Protection sa ilog ng Darangan at nakibahagi sa aktibidad na ito ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Luzon (FODL), sa pamamagitan ni Ms. Kimberly Edraisa, Area Coordinator ng Rizal.
 
Ang proyektong ito ng DPWH ay upang mabigyang proteksyon ang mga bahay at ari-arian sa paligid ng nasabing flood-prone area. Isa ang ilog Darangan sa mga sanga ng Laguna de Bay na siyang likas na paagusan ng tubig mula sa Munisipalidad ng Binangonan.
 
Sa nasabing proyekto, 12 pamilya ang maapektuhan mula sa Barangay Darangan. Ang pakikiisa ng PCUP sa pulong ay upang masiguro na maipatutupad ang makatarungan at makataong ebiksyon at demolisyon alinsunod sa RA7279 o Urban Development and Housing Act of 1992.
 
Samantala, kasabay ng pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan, patuloy na sinisiguro ng PCUP, sa ilalim ng pamumuno ni Chairman/CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na may sapat na assistance at relokasyon ang lahat ng mga pamilyang maaapektuhan gayundin ay tiyakin na dumaan sa tama at ligal na proseso ang lahat ng aktibidad ng ebiskyon lalo na sa panahon ng pandemya. ###
 
via | PCUP Luzon