MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 2 people, people standing, people sitting, office, indoor and text that says '#PCUPATYOURSERVICE pcup.gov.ph (02) 8-362-0220 PCUPOfficial <a href=

10 Hunyo 2021

Matagumpay na isinagawa ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Research, Planning and Monitoring Division (RPMD) ang kanilang Pre-Mid-Year Performance Assessment and Action Planning for FY 2021, ngayong araw Hunyo 10 sa PCUP Conference Room.
 
May be an image of 1 person, sitting, indoor and text that says '#PCUPATYOURSERVICE pcup.gov.ph (02) 8-362-0220 PCUPOfficial <a href=
 
Pinangunahan ni Ms. Elsie A. Aradanas—RPMD Officer-in-Charge at ng iba pang kawani ng RPMD ang naturang pulong na may layuning suriin at tasahin ang naging kinalabasan ng mga gawain ng per unit sa unang semestre ng taon, at ang pagrerekomenda pa ng mga bagong pamamaraan alinsunod sa mandato ng Komisyon.
 
Kabilang din sa mga agenda o napag-usapan ay ang presentasyon ng RPMD Proposed Structure, Individual Assignments for 2nd Semester ng bawat kasapi ng RPMD, mga outputs at updates para sa ISO-9000:2015 Certification, PBB Compliance, mga Memorandum of Agreements na nilagdaan, PCUP Citizen’s Charter, Research and Databanking, at Three Priority Programs:PCUP Mini Caravan preparation, Adopt an Urban Poor Community at Urban Poor Privilege Card.
 
Tiwala naman si PCUP Chairperson at CEO, USec. Alvin S. Feliciano na ang mga gawaing nakapaloob sa naganap na pulong ay tiyak na magiging kapaki-pakinabang para sa mas maayos at epektibong serbisyo publiko ng Komisyon para sa maralitang tagalungsod. ###
 
via | PCUP RPMD