MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 2 people

10 Hunyo 2021

Bulacan - Naging makabuluhan ang pagtungo ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Luzon (FODL) sa Barangay Iba, Meycauayan, Bulacan upang magsagawa ng isang consultation meeting kasama ang mga lider at miyembro ng Dakilang Samahan ng Hulo Ibaba na ginanap noong ika-09 ng Hunyo.
 
Isinagawa ang nasabing pulong upang maidulog ng samahan ang kanilang suliranin hinggil sa banta ng demolisyon at ebiksyon na kung saan ay may tinatayang 140 pamilya ang maaapektuhan.
 
Sa pangangasiwa ni PCUP Luzon Area Coordinator, Mr. Ju-Arthur Celiz ay binigyang linaw niya ang mga karapatan na mayroon ang bawat residente sa usapin ng demolisyon pati na rin ang mga maaaring gawin sa oras na ibenta ng nagmamay-ari ang lupa.
 
Ipinaliwanag din niya na kailangang dumaan sa tamang proseso ng pagpapaalis ang mga magdedemolish sakaling ang mga maaapektuhang pamilya ay hindi kusang aalis sa kinatitirikan ng kanilang mga kabahayan.
 
Bukod dito, ibinahagi rin sa samahan ang probisyon na isinasaad sa ilalim ng Section 28 ng Republic Act 7279 o UDHA at ang proseso ng Pre-Demolition Conference (PDC) para masiguro ang isang makatao at naaayon sa batas na pagpapaalis sa mga maralita o mga maituturing na “underprivileged and homeless citizens”.
 
Sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano ay patuloy ang pagsasagawa ng mga kaparehong aktibidad upang masiguro na nababantayan ang karapatan ng maralitang sektor sa usapin ng paninirahan. ###
 
via | PCUP Luzon