MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Tinatayang 300 katao ang nabigyan ng trabaho ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa ginanap na serbisyo Caravan noong Mayo 21 sa Naval, Biliran. 

Mahigit-kumulang 1000 na blue at white-collared jobs sa loob at labas ng bansa ang binuksan ng 14 na kumpanya at ng Public Employment Services Office (PESO) sa nasabing programa. 

Ayon sa mga international employers na dumalo sa Caravan, sa loob ng dalawang buwan ay maaari nang makaalis at makapagtrabaho abroad ang mga aplikante. Ang pinakamababang sahod para sa trabaho overseas ay P60,000.00 kada buwan. 

Karamihan sa mga natanggap na aplikante ay madedestino sa Australia, Japan, Malaysia, UK, Saudi Arabia, Bahrain, Oman, Kuwait, UAE, Qatar, at Singapore. 

Samantala, ang mga lokal na kumpanya ay nagkaroon rin ng on-the-stop job hiring. 

Ayon naman sa mga lokal, ito ang kauna-unahang serbisyo Caravan sa Naval na kung saan ay dinala sa kanilang komunidad ang iba't ibang serbisyo ng pamahalaan at private partners para sa kalusugan, kabuhayan, at trabaho. 

Halos 3,500 katao ng nabiyayaan ng Caravan ng libreng medical check-up at gamot, libreng payong ligal, libreng gupit, manicure at pedicure, mga trabaho para sa local at abroad, at mga oportunidad pangkabuhayan para sa pangingisda at pagsasaka. Nagkaroon rin ng training para sa pagbubuo ng kooperatiba, pagpoproseso ng dokumento mula sa PSA, pagpaparehistro ng motorsiklo at traffic education, at mga seminar tungkol sa pro-poor programs. 

Magkakaroon ulit ng nasabing programa sa Legazpi City sa Mayo 24.