MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Lumahok ang kumpanya ng mga sikat na mobile application na Grab Philippines at Findwork Philippines sa serbisyo Caravan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) nitong Miyerkules upang magbukas ng job opportunities sa mga maralita na pamilya ng Barangay 201, Pasay City.

Nagkaroon ng on-the-spot accreditation ang Grab PH sa mga drayber ng motorsiklo para sa kanilang programa na Grab Food at Grab Express. Dinala naman ng Findwork PH ang 19 na kumpanya upang magkaroon ng on-the-spot hiring sa mga blue-collared jobs.

Ang mga trabahong inihatid ng mga nasabing kumpanya ay hindi nangangailangan na nakapagtapos ng kolehiyo o mayroong mataas na pinag-aralan.

Naging soft-launching ng partnership ng PCUP, Grab PH at Findwork PH ang nasabing Caravan na layuning magbigay ng job opportunity sa mga skilled na urban poor na nais magkaroon ng trabaho nang hindi hadlang ang pinag-aralan.

Ayon kay PCUP Chairperson / CEO Alvin Feliciano, "hindi tayo limitado sa paglalapit ng serbisyo ng gobyerno sa tao kundi maging mga pribadong kumpanya na gustong magbigay ng serbisyo, ilalapit rin natin sa mga kapuspalad."

Ang Grab PH at Findwork PH ay lalahok sa mga Caravan sa piling lugar sa NCR at Luzon.

Magkakaroon ulit ng job fair ang mga nasabing kumpanya sa PCUP Caravan sa Hunyo 7, Barangay Don Galo Gym, Paranaque City kasabay ang iba pang serbisyo ng gobyerno sa health, wellness, livelihood, education, at social services.