MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Aarangkada muli ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Caravan sa darating na Hulyo 18 sa Barangay Tunga-Tunga, Maasin City dala ang iba't ibang serbisyo ng pamahalaan.

Inaasahang libo-libong pamilya ang makikinabang sa naturang programa ng PCUP kung saan ang mga serbisyo ng government agencies at pribadong kumpanya ay ibababa sa kanilang komunidad.

Dala ng Caravan ang libreng medical at dental check-up at mga gamot mula sa DOH, PCSO, PAGCOR at City and Provincial Health Office. Ang DOLE naman ay maglulunsad ng local job fair at ang DTI para sa livelihood at business opportunities sa pamamagitan ng loans at abot-kayang interest rate.

Ang TESDA naman ay magbubukas ng scholarships para sa technical-vocational courses sa mga eskwelahan na malapit sa lugar. Magbibigay rin ito ng libreng gupit, masahe, manicure at pedicure.

Bukod sa mga nabanggit, naroon rin ang e-mobile Patrol ng LTO para sa motor vehicle registration, issuance ng student permit at renewal ng driver’s license.

Ang mga dadalo ay maaari rin magrequest ng mga dokumento sa PSA gaya ng CENOMAR, birth, marriage at death certificates. Tutulong din ang Local Civil Registry sa mga kaso ng late registration of birth at corrections.

Kapartner din ng PCUP ang OWWA, POEA, DA at City Agriculture Office na magkakaroon ng booths sa naturang programa para sa oryentasyon sa pro-poor programs.

Magbibigay rin ang CHR at PAO ng libreng payong legal samantalang ang SSS at Philhealth naman ay magsasaayos ng membership. Maaari ring magpa-ID para sa PWD, Solo Parent at Senior Citizen sa booth ng DSWD at CSWDO.

Para sa mga interesadong dumalo, huwag kalimutang dalhin ang mga kailangang requirements para sa nais na serbisyo gaya ng valid ID, resume o bio data at iba pa.