MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Komunidad ng 'poorest of the poor', dadayuhin ng PCUP

Target ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa mga susunod na programa nito na ibaba ang serbisyo ng pamahalaan sa mga lugar na tinuturing na 'poorest of the poor' ng komisyon.

Ang komunidad ng 'poorest of the poor', ayon sa naturang ahensya, ay binubuo ng mga pamilyang sumasahod ng mas mababa pa sa P10, 481.00 o itinalang poverty threshold ng National Economic Development Authority (NEDA) na nahihirapang masuplayan ang basic food at non-food expenses.

Ani PCUP Chairperson/ CEO Alvin S. Feliciano, “Pinakatinututukan namin ngayon ang mga urban poor areas o mismong mga komunidad na mas nangangailangan ng agarang tulong o iyong mga tinatawag nating poorest of the poor.”

Sinusuring mabuti ng komisyon ang angkop na mga lugar na bababaan ng mga programa nito partikular na ang PCUP Caravan. Pinagbabasehan rin nito ang mga inirerekomendang lugar ng kanilang field workers o area coordinators (ACs) na direktang nakakakita ng sitwasyon ng mga komunidad.

"Sinisiguro namin na binababaan mismo ng mga ACs natin ang mga barangay at komunidad na talamak ang mga urban poor para rin maiparamdam sa kanila ang malasakit ng gobyerno," dagdag pa nito.

Isa ang PCUP Caravan sa tatlong priority programs nito na aktibong tumutulong sa mga urban poor communities na magkaroon ng livelihood at employment opportunities, scholarship, libreng medical at dental services, at access sa mga pro-poor programs sa pamamagitan ng paglalapit ng serbisyo ng gobyerno at private sectors sa mga mahihirap na komunidad.

Nakikita rin ng komisyon na makatutulong ang pagbaba nila sa 'poorest of the poor' sa pagpapababa ng antas ng kahirapan sa bansa - mula sa 21.6 percent patungong 14 percent.

 

PCUP to aid 'poorest of the poor' communities

The Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) targets to help 'poorest of the poor' communities on its succeeding programs to provide access to different programs and services from government agencies and private organizations.

Communities classified as ‘poorest of the poor’, according to the commission, consist of those families living below the poverty threshold set by the National Economic Development Authority (NEDA), and those financially challenged to meet basic food and non-food expenses.

PCUP chairperson and CEO Alvin S. Feliciano said “Pinakatinututukan namin ngayon ang mga urban poor areas o mismong mga komunidad na mas nangangailangan ng agarang tulong o iyong mga tinatawag nating poorest of the poor.”

The commission assures that the beneficiaries of its programs and services, especially the PCUP Caravan, are areas with underprivileged and homeless citizens and urban poor communities assessed by its field workers or area coordinators (ACs) to ensure that the program is given to the rightful beneficiaries.

"Sinisiguro namin na binababaan mismo ng mga ACs natin ang mga barangay at komunidad na talamak ang mga urban poor para rin maiparamdam sa kanila ang malasakit ng gobyerno," added Feliciano.

PCUP caravan is one of the three priority programs of the agency that is actively helping urban poor communities to have livelihood and employment opportunities, scholarships, free medical and dental services, and an access to pro-poor programs by bridging services from government agencies and private companies.

The commission sees that extending government services to the 'poorest of the poor' communities can help reduce poverty from 21.6 percent to 14 percent.