PCUP ResU, nakibahagi sa awarding ng CELA para sa 273 pamilya ng CSJDM, Bulacan
08 Nobyembre 2021
Bilang pagtatapos ng deliberasyon ng Beneficiary Selection, Award and Arbitration Committee (BSAAC) na dinaluhan ng PCUP Resettlement Unit (PCUP ResU) at PCUP-Field Operations Division-Luzon (FODL) sa Pamahalaang Lokal ng San Jose del Monte, nakiisa ang Komisyon sa paggawad ng housing unit sa mahigit sa 400 na pamilya ng Barangay Muzon.
Ang San Jose del Monte Heights ay isa sa mga pabahay na tinututukan ng PCUP ResU, sa ilalim ng liderato ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang mas maserbisyuhan ng mga ahensya ng gobyerno tungo sa kaayusan ng kanilang komunidad.
Si PCUP Resettlement Unit Head, Mr. Daniel G. Ramirez ang kumatawan sa Komisyon habang pinangunahan naman ito ni National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino P. Escalada Jr., at nina Mayor Arturo B. Robes at House Representative Florida P. Robes ay ginanap sa Pleasant View Residences Covered Court, Barangay Graceville, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan. Nakasama rin nila ang ilang mga kawani ng Housing and Homesite Regulation Office ng Pamahalaang Lokal, NHA-Bulacan, at San Jose del Monte Heights Homeowners’ Association.
273 mula sa 400 na mga pamilya ang pinagkalooban ng Certificate of Eligibility for Lot Award (CELA) para sa mga kwalipikadong residente ng nasabing pabahay. Sa susunod na Biyernes, Nobyembre 12 ay magpapatuloy ang awarding cermony sa nasabing lungsod.
via | PCUP Resettlement Unit
#PCUPatyourService
#WalangForeverNaMahirapSaTaongNagsusumikap
#PCUPOfficial
‘HAPPY NATIONAL CHILDREN’S MONTH 2021!’
03 Nobyembre 2021
Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Nobyembre ang National Children’s Month, at sa taong ito, nakasentro ang selebrasyon sa temang ‘New Normal na Walang Iwanan: Karapatan ng Bawat Bata Ating Tutukan!’
Isa ang karapatan ng mga kabataan sa mga dapat itaguyod at tutukan, lalo’t higit sa mga pagsubok at suliranin na ating kinakaharap sa kasalukuyan, kung kaya’t ang Presidential Commission for the Urban Poor ay nanawagan ng isang protektado at ligtas na buhay laban sa anumang uri ng karahasan at pang-aabuso.
Muli, Happy National Children’s Month!
Pagbati mula sa PCUP! ###
‘PRESS RELEASE (AUGUST 20, 2021)’
20 Agosto 2021
190K MARALITA, NABIYAYAAN SA RELIEF OPS SIMULA NANG PUMUTOK ANG PANDEMYA
UMABOT na sa humigit 190,000 indibidwal ang naging benepisyaryo ng relief operations ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na isinasagawa sa buong bansa.
Sa talaan ng PCUP, simula nang magsimula ang pandemya ay umabot na sa 190,042 pamilya ang nakinabang sa isinasagawang relief operation ng Komisyon na magpapatuloy sa gitna ng ECQ na ipinapatupad ngayon sa Metro Manila at ilang mga karatig lugar hanggang sa ibang rehiyon.
Naging posible ang pagkamit ng nasabing bilang sa patuloy na pakikipagtulungan ng PCUP sa iba’t ibang pampubliko at pribadong sektor na nagpaabot ng kani-kanilang tulong tulad ng food packs distribution handog ng Jollibee Group Foundation na naglalaman ng mga ready-to-eat meals, DA-BPI para sa mga masustansyang gulay at marami pang iba.
Maliban sa relief operations, binigyang diin din ng Komisyon ang pagpapaigting sa mga programa na magiging kapaki-pakinabang sa mga maralitang tagalungsod habang umiiral ang ECQ.
Sa ngayon, buong pwersa nang pinaghahandaan ng mga PCUP Field Operations Divisions (FODs) ang pakikipag-ugnayan sa partner agencies nito para makipagtulungan sa pagbaba sa mga komunidad para magbigay ng tulong kasabay ng pagsunod sa mga itinakdang safety protocols ng IATF para na rin matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Sinabi ni PCUP Chairman Usec. Alvin Feliciano, “Sa panahong nababalot tayo ng pangamba bunsod ng pandemya, ang kinakailangan ng ating mga maralitang Pilipino ang tulong mula sa atin, kung kaya’t kahit na sa simpleng inisyatiba tulad ng relief operations ng aming ahensya, naniniwala akong maiibsan ang kanilang pag-aalala sa isyu ng kagutuman at kalusugan.”
Bukod sa mga relief at food packs na ipinamamahagi ng PCUP, makakatanggap din ng health kits na naglalaman ng mga face masks, face shields, at alcohol ang mga maralitang tagalungsod na maging benepisyaryo ng relief distribution ng Komisyon bilang bahagi ng programang PCUP Health Caravan. ###
via | Benedict Abaygar Jr. | Pilipino Mirror
(PRESS RELEASE (SEPTEMBER 20, 2021)
20 Setyembre 2021
Staff Dev’t Program ng PCUP FOD-NCR, idinaos via Zoom
18 Agosto 2021
Nagdaos ng isang Staff Development Program ang PCUP – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) noong ika-11 hanggang 13 ng Agosto na may paksang “Work Ethics for Public Servants” na ginanap via Zoom.
Naimbitahan upang maging mga tagapagsalita o resource speakers sa naturang programa sina Ms. Corazon Alma de Leon—Governor, National Red Cross at Ms. Lucita S. Lazo—former TESDA Secretary na tumalakay sa iba’t ibang mga paksa tulad ng mga sumusunod:
1. The What and Why of Ethics
2. The Social Context of Work Ethics in the Philippines
3. Ethical Dilemmas in Human Resource Management
4. Fostering a Culture of Ethics in the Organization
5. Personal Development for Ethical Practice in HRM
Bukod sa mga kawani mula sa PCUP NCR, lumahok din sa aktibidad ang ilang mga delegado mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, tiwala siya na ang aktibidad na ito ay makatutulong nang malaki sa personal na kaunlaran ng mga kawani ng Komisyon tungo sa mas maigting na pagbibigay serbisyo sa tamubayan. ###
via | PCUP NCR