MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Dinagsa ng libu-libong katao ang caravan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na ginanap nitong ika-06 ng Setyembre (Biyernes), sa Covered Court MRB Compound Pilot Area, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

 

Sa pangunguna ng PCUP Chairperson/ CEO Alvin Feliciano at ng mga dumalong Kongresista na sina Congresswoman Precious Castelo at Congressman Winnie Castelo, isang ligtas at maayos na caravan ang naganap.

Nagpasalamat sina Cong. Precious Castelo at Cong. Winnie Castelo dahil bihira raw na mangyari ang ganitong pagkakataon na magsama-sama ang maraming ahensya ng gobyerno sa lugar ng Commonwealth.

Ayon kay Chairman Alvin Feliciano, nang masimulan ngayong taon ang programang ito umabot na sa 80,000 katao ang natulungan at nabigyan ng serbisyo ng gobyerno. At magtutuloy-tuloy pa ito hanggang sa matapos ang taon dahil susuyurin pa ng PCUP ang mga lugar mula Luzon hanggang Mindanao upang mag-abot ng serbisyo sa mga maralitang Pilipino.

Kabilang sa natanggap ng mga maralita ay ang libreng gupit at masahe mula sa mga TESDA Scholars. Naghanda rin ang TESDA ng oryentasyon para sa mga interesado sa mga programa at nais kumuha ng scholarship nila.

Patuloy ding pinilahan ng husto ang medical at dental mission na hatid ng PCSO, PSA para sa nais kumuha ng mga birth certificates, at Job Fair na isinagawa ng DOLE, PESO Local, at POEA kasama ang kanilang accredited agencies at employers.

Hindi rin nagpahuli ang mga pribadong sektor na katuwang ng PCUP sa pamimigay ng serbisyo gaya ng Meralco, Findwork, Grab Ph, at CleanFuel.

At namahagi naman sa mga bata at senior citizens ng 1,500 hygiene kit ang Inner Wheel Club of the Philippines Inc., na first time dumalo sa caravan.

Ilan pa sa mga ahensya ay ang SSS, Philhealth, LTO, at PAO na laging present sa ating mga caravans.

Sa pagtatapos ng caravan, nag-iwan ng mensahe si Chairman Alvin Feliciano, “Narito ang PCUP upang alagaan kayo, aarugain kayo, at babaguhin ang buhay ninyo”.