MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Nasa tinatayang 1000 mula sa humigit-kumulang 2500 na taong dumalo ang dumagsa at matiyagang nag-abang sa libreng serbisyong medikal na parte ng isinagawang Serbisyo Caravan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa Brgy. Molino 2 Bacoor, Cavite. 

Ito ay ang ika-labing anim na Serbisyo Caravan na isinagawa ng PCUP magmula noong inilunsad ang programa noong Pebrero. Tinatayang nasa humigit kumulang 35,000 katao na sa iba’t-ibang parte ng bansa ang natulungan nito.

Hatid ng PCSO, DOH at PAGCOR ang isinagawang medical at dental mission pati na rin ang libreng mga gamot para sa mga bata at matatanda na nangangailangan ng tulong medikal.

“Marami sa ating mga kababayan ang walang sapat na oras at pera para makapunta sa doktor o mga klinika kung kaya’t nais natin silang matulungan sa pamamagitan ng pagdadala ng mga serbisyong tulad nito direkta sa kanilang mga komunidad,” ani Chairperson/ CEO Alvin Feliciano.

Sinabi din ni Feliciano na maliban dito ay hangad ng komisyon na mabigyan ng mas pinalakas na kapabilidad ang mga maralitang taga-lungsod gamit ang dagdag na job opportunities upang makatulong sa pagpapagaan ng kanilang buhay.

Kung kaya’t sa tulong ng DOLE, PESO, at Grab Philippines ay nasa tinatayang 500 katao ang nabigyan ng pagkakataong makapag-apply sa iba’t-ibang larangan. 75 dito ay on-the-spot na sumailalim sa exam at orientation ng GRAB bilang mga bagong riders ng naturang transport service.

Maliban sa mga nasabing serbisyo, naroon din ang LTO para sa mga nais mag-apply ng student permit at mag-renew ng driver’s license; DSWD para sa oryentasyon hinggil sa kanilang mga programa para sa mga maralita tulad ng 4Ps at social pension; PSA at Local Civil Registry para sa pag-proseso ng late registration of birth iba pang dokumento.

Kasama rin ng komisyon ang DTI na nagbigay ng livelihood assistance para sa mga taong nais mag-umpisa ng maliit na negosyo. Ang TESDA ay nagbigay ng libreng gupit at masahe bilang parte ng Wellness service, dagdag pa dito ay nag-proseso din sila ng aplikasyon para sa mga scholarship at trainings.

Ang naturang Caravan ay matagumpay na naisagawa sa tulong ng FOD-Luzon at ni Catherine Paculdo, Area Coordinator ng nasabing lugar.


Ang susunod na PCUP Serbisyo Caravan ay isasagawa sa EB Magalona Covered Court, EB Magalona, Negros Occidental sa darating na June 20. ###

Bacoor 1Bacoor 2Bacoor 3Bacoor 4