PCUP, nagbigay ng prosthetic hands sa tulong ng LN-4 Foundation

Sa pangunguna ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), masayang nabiyayaan si Kuya Arnulfo Rios, isang residente ng San Fernando, Sibuyan Island, Romblon ng prosthetic hand na handog ng LN-4 Foundation, isang pribadong organisasyon mula sa bansang Amerika na isinagawa sa GMA Kapuso Foundation Compound.

 

Inilapit ng PCUP Health Unit si Kuya Arnulfo upang maging benipisyaryo ng LN-4 Foundation sa programa nito na naglalayong makapagbigay ng mga prosthetic hands sa mga mahihirap na kababayan at walang sapat na kakayahan na makabili o makatanggap ng ganitong klaseng mga serbisyo.

Ayon sa kwento ni Kuya Arnulfo, nilapitan siya ni Ms. Rosalie E. Manlapaz na isang kawani ng PCUP–Health Service sa isang medical mission na isinasagawa noon ng Komisyon sa kanilang lugar at sinabing tutulungan siya na magkaroon ng prosthetic hand sa pakikipagtulungan ng LN-4 Foundation.

“Salamat PCUP at sa LN-4 Foundation sa pagbibigay niyo sa amin ng prosthetic hands. Malaking kaginhawahan po ito sa amin sa araw- araw. Gayundin po sa iba pang mga organisasyon na nandito ngayon, maraming salamat po”, saad ni Kuya Arnulfo matapos matanggap ang nasabing prosthetic hand.

Maliban kay Kuya Arnulfo, nakatanggap din ng prosthetic hands sina Ruth Delos Santos at Catherine Rasa sa tulong din ng PCUP na naglapit sa kanila sa LN- 4 Foundation na labis namang ikinatuwa ng mga ito.

Ang nasabing programa ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa GMA Kapuso Foundation at ng Philippine Marine Corps na nagpahatid ng kanilang suporta sa programang ito na nagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na kababayan.

Samantala, nagpaabot naman ng walang hanggang pasasalamat ang komisyon sa LN-4 Foundation at iba pang ahensya at pribadong kompanya dahil sa walang sawang pagsuporta ng mga ito sa programa ng PCUP alang-alang sa mga mahihirap na mamamayan at mga taong may kapansanan.

 

PCUP grants prosthetic hands through LN- 4 Foundation

Through the initiative of Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), Kuya Arnulfo Rios of San Fernando, Sibuyan Island, Romblon was able to get his prosthetic hand which was granted by the LN- 4 Foundation, a private organization from US led by one of its members, Anthony John Untalan held at GMA Kapuso Foundation Compound.

Kuya Arnulfo was endorsed by the PCUP to be one of the beneficiaries of the LN- 4 Foundation that provides prosthetic hands to deserving indigents and those who are unable to access these kind of services.

According to Kuya Arnulfo, he was just approached by Ms. Rosalie E. Manalapaz, one of the staffs of the PCUP –Health Service during its medical mission at San Fernando, Sibuyan Island, Romblon and told him that the agency will help him to have prosthetic hands in cooperation with the LN- 4 Foundation.

“Salamat PCUP at sa LN- 4 Foundation sa pagbibigay niyo sa amin ng prosthetic hands. Malaking kaginhawahan po ito sa amin sa araw- araw. Gayundin po sa iba pang mga organisasyon na nandito ngayon, maraming salamat po”, said Kuya Arnulfo after the handover ceremony.

Aside from Kuya Arnulfo, there were also other beneficiaries who received prosthetic hands during the ceremony, namely Ruth Delos Santos and Catherine Rasa which were also endorsed by the PCUP.

The said program was also attended by representatives from GMA Kapuso Foundation and Philippine Marine Corps which extended their support to this advocacy that benefits those who are incapable of getting these services.

Meanwhile, the commission expressed its gratitude and appreciation to the LN- 4 Foundation and other concerned agencies and private organizations for the unending support they have shown for the sake of the poor community and disabled individuals.