MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of text that says 'DETI/IFOUP NEWS PREIDENTA.COMISSOFORTHEUBRANPOO NEWSALERT 1986 NEWS GooD NEWS UMABOT Benepisyaryo ng SLP na naendorso ng PCUP sa DSWD, umabot na sa 220 accredited UPOs Umabot na sa 220 accredited urban poor organizations (UPOs) na may kabuuang 4,438 kasapi mula sa iba't ibang bahagi ng bansa ang naendorso ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) upang maging benepisyaryo Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). via Benedict Abaygar Jr. NEWS PRESIDENT @PCUPOfficial/ PILIPINO C pcup.gov.ph'

20 Setyembre 2021

BENEPISYARYO NG SLP NA NAENDORSO NG PCUP SA DSWD, UMABOT SA 220 ACCREDITED UPOs
 
Umabot na sa 220 accredited urban poor organizations (UPOs) na may kabuuang 4,438 kasapi mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang naendorso ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) upang maging benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
 
Ayon kay PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, bahagi ito ng patuloy na pagtataguyod ng mga programang pangkabuhayan ng Komisyon katuwang ang DSWD at iba pang sangay ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng maralitang tagalungsod lalo na’t karamihan sa mga ito ay labis na naapektuhan ng pandemya na nagdulot ng kawalan ng hanapbuhay.
 
Sinabi pa ng PCUP chief na ito ay parte rin ng convergence program ng gobyerno na naglalayong mas mapaigting ang ugnayan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang maiangat ang socio-economic status ng mga pinaka-bulnerableng sektor ng lipunan.
 
Naging matagumpay ang naturang programa sa pamamagitan ng patuloy na pag-eendorso ng Komis­yon ng mga benepisyaryo sa DSWD sa ilalim ng pangan-gasiwa ni PCUP Commissioner-in-Charge for Livelihood Randy H. Halasan kaisa ang PCUP Livelihood Unit.
 
Kabilang sa mga insentibo o benepisyo na makukuha ng mga kwalipikadong benepis­yaryo ng programa ay ang P15,000 halaga kada miyembro ng isang samahan o UPO na siyang gagamiting kapital para sa pagbubuo o pagtatayo ng negosyo.
 
Ayon kay Feliciano, lalo pang pinaiigting ng PCUP ang mga programa at serbisyo nito alang-alang sa interes at kapakanan ng maralitang tagalungsod at isa na rito ang walang humpay na pag-eendorso ng mga maralitang samahan sa DSWD upang maka-avail at maging benepisyaryo ng SLP.”
 
“Ang kolaborasyong ito at pakikipag-ugnayan ng Komisyon sa DSWD at maging sa iba pang pampubliko at pribadong sektor ay hindi rito nagtatapos bagkus ito ay magpapatuloy pa lalo na’t marami pang mga maralitang tagalungsod ang na­ngangailangan ng tulong sa panahon na humaharap sa pandemyang bunsod ng COVID-19 ang bansa,” saad pa ni Feliciano.
 
Samantala, bukod dito ay marami pang mga proyekto ang kasaluku­yang isinusulong ng Komisyon tulad ng PCUP Three (3) Prio­rity Programs na kinabibilangan ng PCUP Caravan, Adopt-an-Urban Poor Community, Urban Poor Privilege Card, gayundin ang Food, Health, at Scho­larship Caravan, at mga Capability Building Programs (CBPs) na dapat abangan ng mga maralitang tagalungsod na inaasahang makatutulong sa pag-unlad ng mga ito tungo sa matatag, maginhawa, at panatag na buhay. ###
 
via | Benedict Abaygar Jr. | Pilipino Mirror

C9D317EE 919F 4DAF A57C 405BBE7F3144

20 Agosto 2021

190K MARALITA, NABIYAYAAN SA RELIEF OPS SIMULA NANG PUMUTOK ANG PANDEMYA

UMABOT na sa humigit 190,000 indibidwal ang naging benepisyaryo ng relief operations ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na isinasagawa sa buong bansa.

Sa talaan ng PCUP, simula nang magsimula ang pandemya ay umabot na sa 190,042 pamilya ang nakinabang sa isinasagawang relief operation ng Komisyon na magpapatuloy sa gitna ng ECQ na ipinapatupad ngayon sa Metro Manila at ilang mga karatig lugar hanggang sa ibang rehiyon.

Naging posible ang pagkamit ng nasabing bilang sa patuloy na pakikipagtulungan ng PCUP sa iba’t ibang pampubliko at pribadong sektor na nagpaabot ng kani-kanilang tulong tulad ng food packs distribution handog ng Jollibee Group Foundation na naglalaman ng mga ready-to-eat meals, DA-BPI para sa mga masustansyang gulay at marami pang iba.

Maliban sa relief operations, binigyang diin din ng Komisyon ang pagpapaigting sa mga programa na magiging kapaki-pakinabang sa mga maralitang tagalungsod habang umiiral ang ECQ.

Sa ngayon, buong pwersa nang pinaghahandaan ng mga PCUP Field Operations Divisions (FODs) ang pakikipag-ugnayan sa partner agencies nito para makipagtulungan sa pagbaba sa mga komunidad para magbigay ng tulong kasabay ng pagsunod sa mga itinakdang safety protocols ng IATF para na rin matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Sinabi ni PCUP Chairman Usec. Alvin Feliciano, “Sa panahong nababalot tayo ng pangamba bunsod ng pandemya, ang kinakailangan ng ating mga maralitang Pilipino ang tulong mula sa atin, kung kaya’t kahit na sa simpleng inisyatiba tulad ng relief operations ng aming ahensya, naniniwala akong maiibsan ang kanilang pag-aalala sa isyu ng kagutuman at kalusugan.”

Bukod sa mga relief at food packs na ipinamamahagi ng PCUP, makakatanggap din ng health kits na naglalaman ng mga face masks, face shields, at alcohol ang mga maralitang tagalungsod na maging benepisyaryo ng relief distribution ng Komisyon bilang bahagi ng programang PCUP Health Caravan. ###

via | Benedict Abaygar Jr. | Pilipino Mirror

May be an image of 1 person and text that says 'NEWSALERT NEWS ONFOR URBANPOOR NEWS URBANPOOR LIVELIHOOD PROGRAM Negres G PCUP SA NEGROS OCCIDENTAL paabot ibimigay RENED ABAYGAR Livelihood Program ng PCUP sa Negros Occidental Nagkaloob ng isang Capability Building Program (CBP) Training ukol sa paggawa braided rug pot holder ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Field Operations Division for Visayas (FODV) para mga miyembro ng Talisay Hope Village HOA na ginanap noong ika- ng Hunyo sa Barangay Cabatangan, Talisay City, Negros Occidental. PILIPINO via Benedict Abaygar cosae URBANPOOR EWS IALS @PCUPOfficial/ NEWS pcup.gov.ph (02) ORBAN'21 Hulyo 2021

LIVELIHOOD PROGRAM NG PCUP SA NEGROS OCCIDENTAL
 
Nagkaloob ng isang Capability Building Program (CBP) Training ukol sa paggawa ng braided rug at pot holder ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Visayas (FODV) para sa mga miyembro ng Talisay Hope Village HOA na ginanap noong ika-12 ng Hunyo sa Barangay Cabatangan, Talisay City, Negros Occidental.
 
Nagsilbing mga tagapagsalita sa aktibidad sina Ms. Brenda E. Tanio at Ms. Myrna D. Jomero na nagbahagi ng kanilang kaalaman ukol sa nabanggit na paksa.
Bukod sa pagsasanay ay binigyang oryentasyon din ng PCUP ang lahat ng mga lumahok ukol sa Gender and Development (GAD).
 
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang Komisyon sa Lokal na Pamahalaan ng Talisay lalo’t higit sa Talisay Housing Authority na pinangungunahan ni Atty. Pacifico M. Maghari III dahil sa suporta na ibinigay sa Komisyon upang maisakatuparan ang aktibidad.
 
Tiniyak naman ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na mas paigtingin pa nila ang mga programa at serbisyo na patuloy na ihahatid ng PCUP sa mga maralitang tagalungsod na inaasahang magiging kapaki-pakinabang para sa pag-unlad ng mga kababayang maralita. ###
 
via | Benedict Abaygar, Pilipino Mirror

1CE94C03 9BB5 4E70 83AD F6EAEB06D6FC

18 Agosto 2021

Nagdaos ng isang Staff Development Program ang PCUP – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) noong ika-11 hanggang 13 ng Agosto na may paksang “Work Ethics for Public Servants” na ginanap via Zoom.

Naimbitahan upang maging mga tagapagsalita o resource speakers sa naturang programa sina Ms. Corazon Alma de Leon—Governor, National Red Cross at Ms. Lucita S. Lazo—former TESDA Secretary na tumalakay sa iba’t ibang mga paksa tulad ng mga sumusunod:
1. The What and Why of Ethics
2. The Social Context of Work Ethics in the Philippines
3. Ethical Dilemmas in Human Resource Management
4. Fostering a Culture of Ethics in the Organization
5. Personal Development for Ethical Practice in HRM

Bukod sa mga kawani mula sa PCUP NCR, lumahok din sa aktibidad ang ilang mga delegado mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, tiwala siya na ang aktibidad na ito ay makatutulong nang malaki sa personal na kaunlaran ng mga kawani ng Komisyon tungo sa mas maigting na pagbibigay serbisyo sa tamubayan. ###

via | PCUP NCR

May be an image of text that says 'NEWSALERT 1986 DETIAL. NEWS FORTHE NEWS PCUP mini caravan dinagsa ng higit 400 beneficiaries Ni JUN I. medj- (OWWA) LEGASPI DINAGSA ng mahigit 400 (DOH) avan ion forthe Poor prionty 22× maibaba pribadong ng Usec. Feli- matagumpay walang makapaebieav dekal PCUP mini caravan, dinagsa ng higit 400 beneficiaries Dinagsa ng mahigit 400 beneficiaries ang mini caravan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na ginanap Miyerkules (Hulyo 14, 2021) sa National Park, Barangay San Juan Bano, Arayat, Pampanga. via Jun NEWS PRESIDENT @PCUPOfficial/ Legaspi PEOPLES JOURNALO pcup.gov.ph'

15 Hulyo 2021

PCUP MINI CARAVAN, DINAGSA NG HIGIT 400 BENEFICIARIES
 
DINAGSA ng mahigit 400 beneficiaries ang mini caravan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na ginanap Miyerkules (Hulyo 14, 2021) sa National Park, Barangay San Juan Baño, Arayat, Pampanga.
 
Ligtas at matagumpay namang nailunsad ang naturang caravan na pinangunahan ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano kaisa si Ma. Lourdes Alejandrino—Executive Assistant to the Governor na siyang nagsilbing kinatawan ng Punong Gobernador, katuwang din ang Municipal Mayor ng Arayat na si Mayor Emanuel Bon Alejandrino na nagpabatid ng kani-kanilang mesahe ng pagbati at pasasalamat sa PCUP dahil sa pagbababa ng PCUP Mini Caravan sa kanilang probinsya.
 
Itinampok sa caravan ang samu’t saring mga programa at serbisyo ng gobyerno gaya ng libreng medical at dental mission, at gamot mula sa Department of Health (DOH) at local government unit (LGU) nito pati na rin ang scholarship grant na inihatid naman ng Tenchnical Education and Skills Development Authority (TESDA) na may kasama pang libreng gupit. Nagbigay naman ng mga oryentasyon hinggil sa kanilang mga programa at serbisyo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), pati na ang Department of Labor (DOLE).
 
Mayroon ding Legal Assistance na natamasa ang mga dumalo sa caravan sa pamamagitan ng PAO. Ang ilan pa sa mga ahensya ng pamahalaan na nagpaabot din ng mga serbisyo ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippines Statistic Administration (PSA) Land Transportation Office (LTO), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
 
Isa ang PCUP Mini-Caravan sa Three (3) Priority Programs ng Komisyon na naglalayong maibaba sa buong panig ng bansa ang pinagsama-samang serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor na kapartner ng PCUP.
 
Ayon kay Usec. Feliciano, “nagagalak ang buong pamunuan ng PCUP dahil sa matagumpay na re-launching ng PCUP Mini-Caravan na walang ibang layon kundi makapagbigay ng dekelidad na serbisyo at angkop na programa para sa pangangailangan ng mga maralitang tagalungsod.”
 
Samantala, dahil sa banta ng COVID-19 ay siniguro ng PCUP, gayundin ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno na lumahok sa aktibidad na istriktong nasunod ang mga itinakdang safety at health protocols habang isinasagawa ang aktibidad para na rin matiyak ang kaligtasan ng bawat isa mula sa virus. ###
 
via | Jun I. Legaspi | People's Journal Tonight