Inaasahang madaming maralitang taga-lungsod ang makikinabang sa iba’t-ibang serbisyong hatid ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Serbisyo Caravan na gaganapin sa Barangay 178, Caloocan City sa darating na July 5.

Ang nasabing programa ay “whole-of-government” approach kung saan ang mga serbisyo mula sa iba’t-ibang government agencies at pribadong kumpanya ay ihahatid ng direkta sa mga urban poor communities.

Dala ng Serbisyo Caravan ang libreng medikal at dental check-up mula sa DOH at PCSO kasama na din ang libreng gamot mula sa PAGCOR. DTI at DOLE naman para sa livelihood at business opportunities sa pamamagitan ng loans sa abot-kayang interest rate. Ang TESDA naman ay magbubukas ng enrollment at scholarships para sa tehnical-vocational courses na nasa area.

Maliban sa mga nabanggit, ang DOLE at Public Employment and Services Office ay magsasagawa ng magkasabay na international at local job fair kasama ang Findwork Philippines at Grab Philippines.

Bitbit ng Findwork PH ang nasa tinatayang 20 kumpanya para sa job fair ng blue at white-collared jobs. Ang ibang mga trabaho ay nasa manpower services, IT and communications, human resource at iba pa.

Samantala, ang Grab Philippines naman ay naghahanap ng nasa 50 riders para sa on-the-spot hiring ng GrabFood at GrabExpress.

Naroroon naman ang e-mobile Patrol ng LTO para sa motor vehicle registration, issuance ng student permit at renewal ng driver’s license.

Ang mga dadalo ay maaari rin magrequest ng mga dokumento galing PSA gaya ng CENOMAR, birth, marriage at death certificates. Tutulong din ang Local Civil Registry sa mga kaso ng late registration of birth at corrections.

Kapartner din ng PCUP ang OWWA, POEA, at DSWD na magkakaroon ng booths sa naturang programa para sa oryentasyon sa pro-poor programs para sa mga maralitang taga-lungsod.

Para sa mga interesadong dumalo, huwag kakalimutang dalihin ang mga kailangang requirements para sa nais na serbisyo gaya ng Valid identification card, biodata at iba pa.