MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Negros Occidental – Nasa 85 na porsyento ng dumalo sa isinagawang PCUP Serbisyo Caravan sa EB Magalona ay pawang mga senior citizen na nais makatanggap ng libreng konsultasyon mula sa mga partner na ahensiya tulad ng Philippine Army, PCSO at DOH.

 

“Isa talaga sa prayoridad nating bigyan ng direktang serbisyo ay ang mga matatandang walang sapat na pera para makapunta sa malapit na mga klinika o mga ospital para magpa-konsulta,” ani PCUP Chairperson/CEO Alvin Feliciano.

“Kaya sinisikap ng ating komisyon na pumunta sa malalayong probinsya upang mas madami pang maralita ang mabigyan ng accessible na medical services at job opportunities,” dagdag pa ni Feliciano.

Ayon pa sa kanya, nakadepende sa lugar na pinupuntahan ng programa ang pangangailangan ng mga tao kung kaya’t patuloy na nagdadagdag ng partner agencies ang komisyon pati na din ng mga pribadong kumpanya.

Maliban sa mga nasabing serbisyo, naroon din ang LTO para sa mga nais mag-apply ng student permit at mag-renew ng driver’s license; DSWD para sa oryentasyon hinggil sa kanilang mga programa para sa mga maralita tulad ng 4Ps at social pension; PSA at Local Civil Registry para sa pag-proseso ng late registration of birth at iba pang dokumento.

Kasama rin ng komisyon ang DTI na nagbigay ng livelihood assistance para sa mga taong nais mag-umpisa ng maliit na negosyo. Ang TESDA ay nagbigay ng libreng gupit at masahe bilang parte ng Wellness service, dagdag pa dito ay nag-proseso din sila ng aplikasyon para sag a scholarship at trainings.

 

Naroroon din ang SSS, BFAR, OWWA, PESO, DAR, PAO at CDA upang magbigay ng karagdagang serbisyo para sa mga tao.


Ang susunod na PCUP Serbisyo Caravan ay isasagawa sa Poblacion, Butuan City sa darating na Hunyo 20