MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Dalawang bata at isang retirado ang nabigyan ng serbisyo sa programang hatid ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno, na ginanap sa Southville 2, Brgy. Marinig, Cabuyao, Laguna nitong Setyembre 13 (Biyenes).

 

Sa paghahatid ng serbisyo ng PCUP na pinamumunuan ni Chairman/ CEO Alvin Feliciano, simula pa lang ng caravan ay present na at laging pinipilahan ang mga malalaking ahensya ng gobyerno lalo na ang Philipphine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa pagiging katuwang ng PSA, ang dalawang anak ni Ate Rona Delucio, na hindi pa napaparehistro at walang mga birth certificates ay naturuan makapagparehistro at makakuha ng mga sertipikasyon.

Ang SSS naman ay pinaliwanagan si Mang Domingo Apordon patungkol sa kaniyang pension na 23 taon niya nang hinuhulugan. Sa matagal na panahon na paghahanap-buhay ni Mang Domingo, ngayon lang siya nagpaverify ng kaniyang hulog at siya ay naliwanagan tungkol dito.

Isa naman si Ate Marietta sa mga masasayang nakakuha ng mga serbisyo ng TESDA gaya ng manicure at libreng masahe.

“Maganda na may ganitong caravan na isinasagawa para sa taong-bayan dahil marami dito sa amin ang may gusto talaga ng ganitong programa. Kaunti lang din dito ang doktor kaya malaking tulong din ito para sa aming mga taga-Laguna kaya’t maraming salamat talaga sa PCUP,” ani Aling Marietta.

Ayon kay Commissioner Randy Halasan, isa ang Southville 2, sa mga pinakalumang resettlement sites ng PCUP at hanggang ngayon ay hindi ito pinapabayaan ng ahensya. Nagpasalamat si Comm. Halasan sa LGUs ng Cabuyao na nakiisa sa caravan. Naniniwala si Comm. Halasan na ito mismo ang gusto ng Pangulong Duterte, ang magbigay ng serbisyo direkta mismo sa tao.

Ang TESDA, SSS, PSA, at ilan pang mga ahensya ay patuloy na makikilahok sa mga darating pang caravan ng PCUP at maghahatid ng serbisyo sa mga maralitang Pilipino.