MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Matagumpay ang naging pagpupulong sa pagitan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at National Housing Authority (NHA) nito lamang Martes (Oktubre 1) sa Operation Center, NHA Compound, Diliman, Quezon City upang talakayin ang iba’t ibang mga programang ilulunsad na nakalaan lamang para sa mga mahihirap na kababayan natin lalung-lalo na sa mga residente na nakatira sa mga resettlement sites.

Ito ay aktibong dinaluhan ng halos 20 na mga kawani mula sa NHA kasama na ang mga Regional, Divisional, District at mga Department Managers nito kabilang din ang mga kinatawan mula sa PCUP. 

Ang nasabing pulong ay pinangunahan ni PCUP-Resettlement Unit Assistant Head Dennis Protasio na kung saan tinalakay niya ang iba’t ibang mga daing at problema na idinudulog ng mga miyembro ng Homeowners’ Association (HOA) mula sa mga resettlement sites gaya na lamang ng kakulangan ng sapat na tubig at kuryente sa kanilang lugar at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang komunidad, gayundin ang paglalatag ng mga solusyon na maaaring gawin ng mga nasabing ahensya. 

Maliban sa mga nabanggit na agenda, nagsagawa rin ng occupancy validation ang Komisyon kasama ang NHA para sa programang pabahay nito, isinabay rin ang disbursement activity para sa programang Interim Shelter Fund na pakikinabangan ng maraming mahihirap na kababayan sa mga resettlement sites o iyong mga tinatawag na “poorest of the poor community”. 

Ipinabatid naman ni NHA Department Manager for Resettlement and Development Services Elsie Trinidad, gayundin ni NHA Regional Manager Victor Balba kasama pa ng ibang mga NHA Managers ang kanilang maigting na suporta sa PCUP sa pagsasagawa ng mga proyekto at aktibidad para sa mas malawak na hanay ng mga mahihirap na magiging benipisyaryo mula sa buong panig ng bansa. 

Samantala, sa pangunguna ni PCUP Chairperson/CEO Alvin S. Feliciano, masigasig pa rin ang kampanya ng Komisyon sa pagbibigay ng direktang tulong at serbisyo sa taumbayan para ibaba ang bilang ng mga mahihirap na Pilipino.  

Sa ngayon, ang PCUP ay may bilang 56,000 na pamilya nang natulungan at inaasahang dadami pa bago matapos ang taon.

 

PCUP, NHA to initiate programs for the poor

Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) on Tuesday (October 1) had a successful levelling- off meeting with the National Housing Authority (NHA) in regards to the different programs and activities that are set to be rendered to marginalized families especially those which are from the different resettlement sites held at Operation Center, NHA Compound, Diliman, Quezon City.

It was actively participated by almost 20 NHA staff including the Regional, Divisional, District, and Department Managers from various regions in the country specifically NCR, Region III, and Region IV-A together with PCUP representatives.

The said meeting was presided by Mr. Dennis Protasio, Assistant Head of PCUP- Resettlement Unit in which he discussed all the primary concerns raised by the Homeowners’ Association (HOA) such as problem on water and power supplies, and other basic needs from different resettlement sites.

Protasio has also presented a roadmap on the turn- over of the resettlement sites to the Local Government Units (LGUs) and how they can strengthen coordination with the other concerned agencies for the formulation of standard guidelines on relocation and resettlement sending and receiving LGUs collaboration.  

Aside from those aforementioned agendas, attendees have also conducted occupancy validation for their Housing Programs as well as for the disbursement activity regarding the Interim Shelter Fund that will benefit those families in resettlement sites or even  the so called poorest of the poor community.

Ms. Elsie Trinidad, NHA Department Manager for Resettlement and Development Services, and Engr, Victor Balba, NHA Regional Manager along with the other NHA Managers extended their support to the PCUP for the conduct and implementation of many programs targeting a wider range of beneficiaries from around the country.

Meanwhile, through the dedication of PCUP’s Chairperson/ CEO Alvin S. Feliciano, the Commission is still on its keen campaign rendering multiple services and programs to those needy and poor community to all parts of the Philippines to help the country reduce its poverty rate.

As of now, PCUP has already reached 56,000 families who benefited from the caravan and still expecting for more before this year ends.