MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Dagdag na serbisyo caravan ng PCUP, aarangkada bago matapos ang taon

Magdaragdag ang ahensya ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ng anim pang mga “Serbisyo caravan” na ilulunsad sa iba’t ibang parte ng bansa bago matapos ang taon bilang tugon sa panawagan ng mga maralitang Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng bansa na nais ring makakuha ng libreng mga serbisyo mula sa pamahalaan.

 Matatandaan na unang naisagawa ang nasabing caravan noong Enero 31 ng kasalukuyang taon at napakaraming mga kababayang mahihirap ang natulungan nito kaya naman, nais ni PCUP Chairman/ CEO Alvin S. Feliciano na suyurin pa ang mga lugar na lubos na nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng pagbababa ng PCUP caravan sa mga maralitang komunidad. 

Ayon sa pahayag ni Feliciano, “Target namin ngayon ang mas malawak pa na hanay ng mga benipisyaryo ng mga libreng serbisyo mula sa pamahalaan kaya naman nagdagdag pa kami ng anim na PCUP caravan sa iba’t ibang panig ng bansa.”

“Mula 42, nasa 48 na caravan na ang aming maibababa sa iba’t ibang dako ng bansa bago matapos ang taon para talagang maibigay ang tulong ng gobyerno sa mga lugar na hirap maabot ng pamahalaan.” dagdag pa niya.

Ang PCUP caravan ay isa lamang sa three priority programs na isinusulong ng Komisyon kabilang na ang “Urban Poor Privilege Card” at ang “Adopt an Urban Poor Community Program” na magbibigay ng kaginhawaan sa mga mahihirap na residente mula NCR, Luzon, Visayas, maging sa Mindanao.

Samantala, 13 na “Serbisyo caravan” pa ang nakatakdang isagawa ng Komisyon bago matapos ang taon kabilang na rito ang karagdagang anim na caravan na nasimulan nang ilunsad sa Remarville Tennis Court, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City noong Oktubre 23 na kung saan ay halos 2,000 na mga residente ang nakinabang.

Inaasahan naman ng PCUP na mas marami pang mga maralitang komunidad ang makatatamasa ng mga libreng serbisyo sa pamamagitan ng PCUP caravan katuwang na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalan at ilang mga partners mula sa pribadong sektor para sa ikauunlad ng maralitang Pilipino.

 

PCUP launches additional caravans before the end of 2019

Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) initiates the conduct of six more ‘Serbisyo Caravans’ in different areas all over the country before the end of year in addition to the 46 caravans that was initially set by the Commission and was first launched on January 31, 2019 and will run until December of the same year.

Catering thousands of people availing different services from the government through the PCUP, Chairman/ CEO Alvin S. Feliciano wants to extend the Commission’s helping hand to at least give the best services it could provide to those needy areas especially the ‘poorest of the poor’ communities.

According to Feliciano, “Target namin ngayon ang mas malawak pa na hanay ng mga benipisyaryo ng mga libreng serbisyo mula sa pamahalaan kaya naman nagdagdag pa kami ng anim na PCUP caravan sa iba’t ibang panig ng bansa.”

“Mula 42, nasa 48 na caravan na ang aming maibababa sa iba’t ibang dako ng bansa bago matapos ang taon para talagang maibigay ang tulong ng gobyerno sa mga lugar na hirap maabot ng pamahalaan.” he added.

PCUP caravan is one the three priority programs being pushed by the Commission along with the “Urban Poor Privilege Card” and “Adopt an Urban Poor Community program to meet the basic needs of the marginalized groups and to alleviate the country from poverty.

Meanwhile, a total of 13 more caravans are set to be conducted in NCR, Luzon, Visayas, and even in Mindanao. Moreover, the first out of the six additional caravans was already held last October 23 at Remarville Tennis Court, Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City and around 2, 000 residents were benifited from the said caravan.

PCUP expects to have more poor communities that will be rendered services through the conduct of “Serbisyo Caravan” aiming to provide quality services from various government agencies and other partners from private sectors for the sake of the Filipino people. ###