MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Central Office – Mahigit 42,000 pamilya na sa mga relocation sites ang nakatamasa ng murang bigas mula sa National Food Authority (NFA) at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa ginanap na “Tagpuan” simula noong Oktubre hanggang kasalukuyan. 

Halos kalahati ng normal na presyo ng bigas ang inihatid ng NFA at PCUP sa iba’t ibang resettlement site sa bansa. 

Kumpara sa P38.00 – P42.00 kada kilo ng commercial rice sa mga lokal na pamilihan, handog ng Tagpuan ang P27.00 – P32.00 kada kilo ng bigas. 

Nakapamahagi na ang mga nasabing ahensya ng 4,200 sako ng bigas sa 25 resettlement sites sa buong bansa. 

Ayon kay PCUP Resettlement Unit Head Rhinelan Lachica, “Libo-libo na sa ating urban poor families sa resettlement site ang nagpapasalamat sa patuloy na pagtugon ng NFA sa paghahatid ng abot-kaya at murang bigas.” 

“Patuloy pa rin ang PCUP sa paghahatid ng tulong at serbisyo sa ating resettlement sites sa buong bansa. Isa pa lamang ito sa mga aktibidad ng ating ahensya para sa ating mga maralita.,” ani Resettlement Unit Assistant Head Dennis Protacio. 

Bunsod sa nakaambang rice tariffication, minabuti ng PCUP na makipag-ugnayan sa Department of Agriculture (DA) para matiyak na patuloy ang akses ng maralita sa murang bigas.

Ang nasabing Tagpuan ng PCUP at NFA ay pinasimulan ng PCUP Resettlement Unit sa pangunguna ni PCUP Commissioner Randy Halasan noong Oktubre 2018. ###

PCUP and NFA Tagpuan on Camarin Residences, Caloocan City on October 22, 2018
PCUP and NFA Tagpuan Day on Disiplina Village, Valenzuela City on October 30, 2018
PCUP and NFA Tagpuan Day on Southville 7, Calauan Laguna on October 30, 2018