MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of text that says 'DENTAL.COMSI NEWS NEWSALERT 1986 NEWS PCUP Mini-Caravan aarangkada upang magserbisyo sa masa may COVID- PCUP Mini-Caravan, aarangkada upang magserbisyo sa masa Muling sisipa upang maghatid ng pinagsama-samang serbisyo para sa tao ang Mini-Caravan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na magsisimula na ngayong buwan ng Hulyo 2021. DENTIALCOMISSIONFOR URBANPOOR EWS via Jun Legaspi @PCUPOfficial/ PEOPLES OURNALL NEWS pcup.gov.ph URBAN'

07 Hulyo 2021

PCUP MINI-CARAVAN, AARANGKADA UPANG MAGSERBISYO SA MASA
 
Muling sisipa upang maghatid ng pinagsama-samang serbisyo para sa tao ang Mini-Caravan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na magsisimula na ngayong buwan ng Hulyo 2021.
 
Isa ito sa three priority programs na isinusulong ni PCUP Chairman at Chief Executive Officer (CEO), Usec. Alvin S. Feliciano na kung saan ang mga serbisyo ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at mga pribadong sektor ay inilalapit sa mga komunidad ng maralita para makapagbigay ng tulong at access sa mga pangunahing programa ng gobyerno.
 
Nito lamang Hulyo 2 ay muling nagtipon-tipon sa isang virtual coordination meeting ang PCUP at mga partner agencies nito upang isapinal ang mga serbisyo at programang ibababa sa mga komunidad na dadayuhin ng PCUP Mini-Caravan. Kabilang sa mga ahensyang ito ay ang Department of Social Welfare and Development, (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), National Bureau of Investigation (NBI), Land Transportation Office (LTO), Public Attorney’s Office (PAO), Department of Labor (DOLE), Department of Health (DOH), (PSA), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO), Philippine Gaming Corporations (PAGCOR), at Grab Philippines na nagpabatid ng buong suporta nito para sa pagsasakatuparan ng nasabing caravan.
 
Ayon sa inilatag na datos ng Komisyon, iikot ang PCUP Mini Caravan ngayong taon sa 33 lungsod at probinsya mula sa Kalakhang Maynila, Luzon, Visayas, Mindanao, at mga resettlement sites.
 
Kumpiyansa si Usec. Feliciano na magiging maganda ang resulta ng nasabing programa kahit pa maraming mga limitasyon at restriksyon ang hatid ng pandemyang COVID-19.
 
“Kahit na may pandemya tayong kinahaharap, buo ang aking tiwala na magiging matagumpay ang muling pag-arangkada ng ating Mini-Caravan gaya ng naging resulta nito noong wala pa mang COVID-19,” ani Usec. Feliciano.
 
“Sa panahon na gaya ngayon, kailangang kailangan ng mga kababayang Pilipino ang kalinga ng pamahalaan kaya’t sa pamamagitan ng PCUP Mini-Caravan, ang gobyerno na ang siyang tutungo sa mga komunidad na labis na nangangailangan upang ihatid ang mga pangunahing programa at serbisyo sa masa,” dagdag pa ng pangalawang kalihim.
 
Samantala, sisiguruhin naman ng PCUP Mini-Caravan National Team na istriktong nakasunod sa mga itinakdang health protocols ng IATF ang pagsasagawa ng programa para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga lalahok mula sa banta ng COVID-19.
 
Bukas para sa mga katanungan ang official facebook page ng PCUP via facebook.com/PCUPOfficial kaugnay sa nalalapit na Mini-Caravan nito. Naka-post din dito ang kabuuang detalye ng mga serbisyong ihahatid nito pati na ng mga kapartner na ahensya. ###
 
via | Jun I. Legaspi | People's Journal Tonight