May be an image of text that says 'DETI/IFOUP NEWS PREIDENTA.COMISSOFORTHEUBRANPOO NEWSALERT 1986 NEWS GooD NEWS UMABOT Benepisyaryo ng SLP na naendorso ng PCUP sa DSWD, umabot na sa 220 accredited UPOs Umabot na sa 220 accredited urban poor organizations (UPOs) na may kabuuang 4,438 kasapi mula sa iba't ibang bahagi ng bansa ang naendorso ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) upang maging benepisyaryo Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). via Benedict Abaygar Jr. NEWS PRESIDENT @PCUPOfficial/ PILIPINO C pcup.gov.ph'

20 Setyembre 2021

BENEPISYARYO NG SLP NA NAENDORSO NG PCUP SA DSWD, UMABOT SA 220 ACCREDITED UPOs
 
Umabot na sa 220 accredited urban poor organizations (UPOs) na may kabuuang 4,438 kasapi mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang naendorso ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) upang maging benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
 
Ayon kay PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, bahagi ito ng patuloy na pagtataguyod ng mga programang pangkabuhayan ng Komisyon katuwang ang DSWD at iba pang sangay ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng maralitang tagalungsod lalo na’t karamihan sa mga ito ay labis na naapektuhan ng pandemya na nagdulot ng kawalan ng hanapbuhay.
 
Sinabi pa ng PCUP chief na ito ay parte rin ng convergence program ng gobyerno na naglalayong mas mapaigting ang ugnayan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang maiangat ang socio-economic status ng mga pinaka-bulnerableng sektor ng lipunan.
 
Naging matagumpay ang naturang programa sa pamamagitan ng patuloy na pag-eendorso ng Komis­yon ng mga benepisyaryo sa DSWD sa ilalim ng pangan-gasiwa ni PCUP Commissioner-in-Charge for Livelihood Randy H. Halasan kaisa ang PCUP Livelihood Unit.
 
Kabilang sa mga insentibo o benepisyo na makukuha ng mga kwalipikadong benepis­yaryo ng programa ay ang P15,000 halaga kada miyembro ng isang samahan o UPO na siyang gagamiting kapital para sa pagbubuo o pagtatayo ng negosyo.
 
Ayon kay Feliciano, lalo pang pinaiigting ng PCUP ang mga programa at serbisyo nito alang-alang sa interes at kapakanan ng maralitang tagalungsod at isa na rito ang walang humpay na pag-eendorso ng mga maralitang samahan sa DSWD upang maka-avail at maging benepisyaryo ng SLP.”
 
“Ang kolaborasyong ito at pakikipag-ugnayan ng Komisyon sa DSWD at maging sa iba pang pampubliko at pribadong sektor ay hindi rito nagtatapos bagkus ito ay magpapatuloy pa lalo na’t marami pang mga maralitang tagalungsod ang na­ngangailangan ng tulong sa panahon na humaharap sa pandemyang bunsod ng COVID-19 ang bansa,” saad pa ni Feliciano.
 
Samantala, bukod dito ay marami pang mga proyekto ang kasaluku­yang isinusulong ng Komisyon tulad ng PCUP Three (3) Prio­rity Programs na kinabibilangan ng PCUP Caravan, Adopt-an-Urban Poor Community, Urban Poor Privilege Card, gayundin ang Food, Health, at Scho­larship Caravan, at mga Capability Building Programs (CBPs) na dapat abangan ng mga maralitang tagalungsod na inaasahang makatutulong sa pag-unlad ng mga ito tungo sa matatag, maginhawa, at panatag na buhay. ###
 
via | Benedict Abaygar Jr. | Pilipino Mirror