MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Nakiisa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa naganap na Prostate Screening Mission sa Super Health Center ng San Mateo, Rizal, kung saan dinaluhan ng mga residenteng kalalakihan, karamihan sa mga nagpalista ay halos matatanda.

 

Sang-ayon si PCUP Chairman/ CEO Alvin Feliciano sa layunin ng kasalukuyang Administrasyon na palawakin at mapabuti ang kalusugan ng mga maralitang Pilipino. At bilang pagsunod rito, hinihikayat niya ang kaniyang PCUP Health Unit na maging aktibo sa mga Medical Missions at iba pang programa ng mga Local Government Units (LGU) gaya nito.

Ang mission na ito mula sa Health Department ng LGU ng San Mateo ay isang pagpukaw sa ating mga kalalakihan ano mang edad na magkaroon ng kamalayan pagdating sa kanilang kalusugan lalo na sa pagkakaroon ng check-up sa bawat bahagi ng kanilang katawan.

Ang screening ay pinangasiwaan ng mga boluntaryong Doktor at Nars mula sa Fatima University Medical Center – Antipolo.

Bukod sa demolisyon at livelihood, tutok din ang PCUP sa nangangailangan ng tulong patungkol sa usaping pangmedikal.

Ayon kay Chairman Alvin Feliciano, makakaasa ang mga maralitang Pilipino na nais din nila tugunan ang kanilang kalusugan kaya kasama sa kanilang programa ang pamimigay ng mga libreng gamot, salamin para sa mga nanlalabo ang mata at tsekap. At sa susunod, hindi na lang libreng gamot ang ipapamahagi ng ahensya kundi ipa pang pangangailangan na pangkalusugan.

Sa ngayon, ang Health Unit ng PCUP ay nangangalap ng mga pasyenteng nais mabigyan ng libreng artificial legs na siguradong makakatulong sa kanilang pang araw-araw na gawain.