MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

31 Mayo 2021

PCUP, TUMULONG SA REKLAMO NG BIKTIMA NG DEMOLISYON SA CALOOCAN

Tinulungan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), sa pangunguna ng Legal Team ng komisyon, ang biktima ng demolisyon na nagsampa ng reklamo laban sa Carmel Development Inc. (CDI) dahil sa sinasabing illegal na paggiba sa kanilang bahay sa Pangarap Village, North Caloocan City.

Ayon sa salaysay ng biktima, nangyari ang naturang demolisyon noong May 7 pasado alas-10 ng umaga kung saan dalawang tauhan na nagpakilalang mula sa CDI ang naroon nang mangyari ang pagpapaalis na sila ring nanguna sa pagdedemolish.

Giit ng may-ari ng ginibang bahay, wala umanong court order na ibinaba sa kanya bago pa man ang demolisyon kaya’t panay ang pagpigil niya rito. Sa kabila nito, hindi pa rin naawat ang mga tauhan ng CDI at patuloy na pinagsisira ang bahay.

Bunsod ng pagpapatuloy ng aktibidad at nagaganap na komosyon, dito na umawat ang mga area coordinator mula sa PCUP na naroon din sa lugar. Paliwanag ng mga ito, kailangang dumaan sa legal at tamang proseso ang pagpapatupad ng anumang demolisyon at ebiksyon na may basbas ng hukuman. Isa rin ang Pre-Demolition Conference (PDC) sa mga kailangang pagdaanan bago pa man magpatuloy ang isang demolisyon at nararapat din na masigurong may sapat na financial assistance at relokasyon ang mga pamilyang maaapektuhan nito.

Sa dagdag naman na pahayag ng nasabing biktima, wala siyang tinanggap na kahit anong assistance o tulong mula sa CDI dahil nangangahulugan lamang ito na pumapayag siyang mademolish ang kanyang tirahan. Buo rin umano ang kanyang loob na sampahan ng kaso ang CDI dahil sa walang habas nitong pagde-demolish sa kanyang bahay.

Napag-alamang isa lamang ang kaso na ito sa napakaraming aktibidad ng demolisyon na nangyari sa lugar. Matatandaan na kaliwa’t kanang mga reklamo na rin ang natatanggap ng PCUP mula sa mga taga-Pangarap Village kaugnay sa patuloy na paninira at pangwawasak ng mga kabahayan doon.

Sa naging pahayag naman ni PCUP Chairman Alvin Feliciano, sinabi niya, “Handa po ang PCUP na asistehan ang mga maralitang tagalungsod na residente ng Pangarap Village sa kanilang laban para sa paninirahan. Sisiguruhin po ng aming ahensya na nakasusunod sa ligal at wastong proseso ang kahit na anong aktibidad ng demolisyon at ebiskyon sa bansa at matiyak na hindi natatapakan ang mga karapatan ng ating maralitang tagalungsod.”

“Ayon sa atas ng ating gobyerno at ng IATF, manatili tayo sa ating kanya-kanyang tirahan upang maiwasan at malabanan ang pagkalat ng COVID-19, ngunit paano makakapag-stay at home ang isang maralita kung wala na siyang bahay? Kaya naman, kami sa PCUP, ay handang magbigay ng legal assistance sa lahat ng mga maralitang tagalungsod na humaharap sa banta ng demolisyon at ebiksyon,” dagdag pa niya.

Tiwala ang PCUP na ang isyu at reklamong ito ay agad tutugunan ng Office of the City Prosecutor ng Caloocan nang sa gayon ay magkaroon na ng kapanatagan ang mga residente ng Pangarap Village at matigil na rin ang nangyayaring demolisyon sa lugar.

Samantala, kamakailan lamang ay nagpadala na rin ng liham kay Solicitor General Jose C. Calida si Usec. Feliciano upang hilingin ang posible sanang “cancellation of title and reversion” laban sa CDI.

Kasalukuyan namang hinihintay ng PCU pang tugon ng OSG sa ipinadalang sulat gayundin ang rekomendasyon nito upang magpatuloy na ang kaso. ###

via | Benedict Abaygar Jr. | Pilipino Mirror

May be an image of 1 person and text that says 'NEWSALERT I NEWS PRESIDENTAL.COMSSIONFOUBNR 80,000 Lampas 180,000 pamilya nabigyan ng ayuda ng PCUP tapos LEGASPI LUMAGPAS Lampas 180,000 pamilya nabigyan ng ayuda ng PCUP Lumagpas na sa 180, 000 pamilya mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nabigyan na ng ayuda ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) simula nang magsagawa ito ng relief operation noong kasagsagan ng lockdown bunsod ng pandemyang COVID-19. PEOPLES via Jun Legaspi ng verybody's ewspaper THE NEWS @PCUPOfficial/ pcup.gov.ph (02) 0220 URBAN'

24 Mayo 2021

Lumagpas na sa 180, 000 pamilya mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nabigyan na ng ayuda ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) simula nang magsagawa ito ng relief operation noong kasagsagan ng lockdown bunsod ng pandemyang COVID-19.
 
Ito ay sa tulong ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan at ilang pribadong kompanya at organisasyon na hindi nag-alinlangang magpaabot ng tulong sa mga kababayang lubhang apektado ng pandemya na karamihan ay nawalan din ng trabaho at hirap upang tustusan ang mga pangangailangan ng pamilya.
 
Ilan lamang sa mga ipinamamahagi ng PCUP sa mga komunidad ng maralita ay mga food packs na galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ready-to-cook items mula sa Jollibee Group Foundation (JGF), iba’t ibang klase ng gulay na handog naman ng Department of Agriculture (DA) habang naging katuwang din ng Komisyon sa pamamahagi ng tulong ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na sako-sakong mga bigas na may kasama pang grocery items naman ang ipinamigay.
 
“Limitado man ang pondo ng PCUP sa pagsasagawa ng relief operation, hindi ito naging dahilan upang huminto ang Komisyon sa pagseserbisyo sa taumbayan. Kami ay nakipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng gobyerno at mga pribadong institusyon at korporasyon upang ilapit sa mga ito ang maralitang tagalungsod at mabigyan ng agarang tulong sa panahon ng pandemya," ani PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano.
 
“Hindi pa tapos ang aming pagpapaabot ng tulong dahil kulang pa ang numerong iyan. Marami pang mga kababayan natin ang nangangailangan ng tulong lalo na’t hindi pa tapos ang laban ng bansa kontra COVID-19 kaya naman ay mas magiging masigasig ang aming ahensya na dagdagan pa ang bilang ng mga benepisyaryong nakikinabang sa programa ng PCUP,” dagdag pa niya.
 
Tuloy-tuloy naman sa pag-arangkada ang PCUP relief operation upang suyurin ang mga komunidad ng maralita na hindi masyado naaabutan ng tulong. Kasama rin sa mga ipamimigay ng Komisyon ay mga face masks, face shields, at alcohol bilang pagsuporta nito sa kampanya ng gobyerno na sugpuin at wakasan ang COVID-19. ###
 
via | Jun I. Legaspi | People's Journal Tonight
 

May be an image of one or more people and text that says '1986* NEWSALERT NEWS II.U NEWS FORTHE PRESIDENTA.M/ON URBANPOOR NEWS PRESIDENTIAL.COMSSIONFORTHEURBAN 10K get scholarships from PCUP, TESDA with_free Legaspi briefs ATYOUR + �- 10k to get scholarships from PCUP, TESDA Before the year ends, the Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) is targeting 10,000 scholars to become beneficiaries of scholarship programs through the PCUP Scholarship Caravan collaboration with the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). EWS via Jun Legaspi f @PCUPOfficial/ DEOPLEC JOURNALL URBANPOOR NEWS pcup.gov.ph (02)'

18 Mayo 2021

10K TO GET SCHOLARSHIPS FROM PCUP, TESDA

Before the year ends, the Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) is targeting 10,000 scholars to become beneficiaries of scholarship programs through the PCUP Scholarship Caravan in collaboration with the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

In a Memorandum of Agreement (MOA) signed by PCUP Chairman and CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano and TESDA Director General, Sec. Isidro S. Lapeña, PhD., CSEE on December 10, 2020, PCUP will endorse future scholars to TESDA from the urban poor communities around the country to avail of skills training and services which would be useful for them especially amid the pandemic.

“The PCUP wants to give greater opportunities to the urban poor sector with free education that can provide them with new knowledge and skills so that they can earn a living especially in the midst of the pandemic faced by the country,” said Feliciano.

“I am also grateful to TESDA for the collaboration we made to bring hope to our countrymen who want to study but do not have the ability. Today, I am confident that this initiative will continue to serve as a way to change the lives of many especially those who need it the most”, he added.

The scholars will receive allowance, cellphone load and PPEs. Among the courses to be offered are Bread and Pastry Production NC II, Food Processing II, Food and Beverage Services NC II, Computer Systems Servicing NC II, Contact Tracing Level II, Electrical Installation and Maintenance NC II, Shielded Metal Arc Welding II, Driving II and Heavy Equipment Operation NC II.

Apart from TESDA, PCUP continues to engage with other government agencies to further develop collaborations that will promote other programs and services for the benefit of the poor Filipinos. ###

via | Jun I. Legaspi | People’s Journal Tonight