22 Hunyo 2021
BASAHIN: (PCUP nagbabala sa LGUs) ‘DI MAGBIBIGAY NG RELOKASYON KAKASUHAN
DULOT ng kabi-kabilang kaso ng demolisyon at ebiksyon na nagaganap sa Kalakhang Maynila at iba pang parte ng bansa kahit sa panahon ng pandemya, nagbabala si Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairperson at CEO, Usec. Alvin Feliciano sa local government units (LGUs) na hindi nagbibigay ng relokasyon o financial assistance sa mga informal settler families (ISFs) na apektado ng demolisyon.
Binigyang diin ni Usec. Feliciano na ang hindi pagbibigay ng relokasyon o financial assistance ng mga LGU sa mga naapektuhang pamilya ng demolisyon at ebiskyon ay taliwas sa isinasaad ng Section 28 ng Republic Act 7279 o mas kilala bilang Urban Development and Housing Act (UDHA) ng 1992 para sa isang makatao at makatarungang demolisyon.
Basahin nang higit sa http://pilipinomirror.com/pcup-nagbabala-sa-lgus-di.../
via | Benedict Abaygar, Jr., Pilipino Mirror