MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

Inilunsad ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang “Echo-Dissemination on Social Development Policies” katuwang ang iba’t ibang Unit Heads nito para talakayin ang pagsasama-sama ng 3-Priority Programs at 5-year Urban Poor Development Plan, alinsunod sa nais ni Pangulong Duterte na magkaroon ng mas maginhawang pamumuhay ang mga Pilipino sa marami pang taon.

 

Naniniwala si PCUP Chairman at CEO Alvin Feliciano na makakatulong ang gagawing polisiya sa pag-angat ng antas ng maralitang Pilipino sa mga susunod na taon kaya naman pinag-aaralan ito ng husto ng Komisyon at sisiguraduhing ang magiging epekto ng bawat programa ay mai-aangat ang nakararami mula sa kahirapan. 

Ang nasabing kaganapan ay pinangasiwaan ni Commissioner Norman Baloro kasama ang iba pang Commissioners ng ahensya. Kaakibat ng pagpaplano hindi lang ang mga polisiya kundi pati na rin ang maiaambag ng PCUP na mga possible pang maging life-long livelihood ng mga ‘urban poor communities’. 

Ang paghahandang ito ay ka-ugnay rin sa programa ng National Economic Development Authority (NEDA) na, Ambisyon Natin 2040 na may layunin na 25-year long-term anti-poverty at anti-hunger.

Target ng programang ito na maitaas ng tatlong ulit ang kasalukuyang real per capital income ng sambayanan.

Kaya naman magtutuloy-tuloy lang ang PCUP sa nais ng pamahalaan na maipakalap sa pinakamaraming bilang ng mga mamamayan para mas maipaalam ang mga tampok ng nasabing mga plano at magkaroon sila ng mas malalim na kamalayan, pang-unawa, at interes sa pag-unlad. 

Kaisa ang PCUP sa naghahangad na ito ay masulong dahil nais din ng Komisyon ang “matatag, maginhawa, at panatag na buhay”, para sa lahat ng mga Pilipino.