PCUP FODM, nangasiwa ng GAD seminar
22 Abril 2022
Nito lamang Abril 20 ay nangasiwa ng “Gender Awareness Orientation on Equality and Domestic Violence” ang PCUP – Field Operations Division for Mindanao (FODM) sa pangunguna ni Supervising Commissioner for Mindanao, Norman B. Baloro, RSW, MSSW at FODM Chief of Operations, Atty. Ferdinand C. Iman katuwang si Ms. Mimia D. Canja—FODM Area Coordinator, na siyang nangasiwa sa nasabing aktibidad.
Ayon kay PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, nilalayon ng programa na buksan ang kaisipan ng mga maralitang tagalungsod ukol sa pagkakapantay ng mga kasarian sa komunidad para sa mas maayos na lipunan.
Naging tagapagsalita naman sa programa sina Ms. Reina Grace A. Ureta at Ms. Catalina Gales ng davao City Mayor's Office – Integrated Gender and Development Division.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng 38 miyembro ng ibat-ibang urban poor associations ng Barangay Ma-a, Davao City na kung saan, sampu sa mga ito ay napiling maging benepisyaryo ng Student Siblings Tablet Sharing Project sa ilalim ng Davao City Special Projects sa pamumuno ni Commissioner Baloro.
Samantala ay nagbigay naman ng suporta sina Punong Barangay Pacito D. Cañete at Kagawad Elfred Coria sa naturang aktibidad. ###
via | PCUP Mindanao
PCUP FODL, nagsagawa ng balidasyon sa Talisay, CamNor
22 Abril 2022
Dinayo ng PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) ang Brgy. San Francisco, Talisay, Camarines Norte noong Abril 21 upang magsagawa ng balidasyon sa lugar kaugnay ng mga kaso ng demolsiyon at ebiksyon.
Sa isinagawang ocular inspection ng PCUP, walang naabutang apektadong pamilya at tila abandonado ang subject property. Ayon pa sa kasamang representative mula sa Pamahalaang Barangay ng San Francisco, paminsan-minsang binabalikan ng apektadong pamilya ang pinagtatalunang lupa upang tingnan at patuloy magsaka roon.
Nakipag-ugnayan na ang PCUP sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Talisay upang kumpirmahin kung ang pamilya ay hindi na naninirahan sa subject property.
Sinamantala na rin ng PCUP ang pagkakataon upang i-follow-up ang socio economic profile ng pamilya na siyang tutukoy sa kwalipikasyon nito bilang benepisyaryo ng pabahay o relokasyon. Nagpahayag din ang MSWDO ng kahandaan nito para magbigay ng livelihood assistance sa apektadong pamilya. ###
via | PCUP Luzon
PCUP FODL, nagsagawa ng balidasyon ukol sa 17 pamilyang apektado ng demolition case sa Daet
22 Abril 2022
Isang balidasyon ang pinangasiwaan ng PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) sa 17 pamilyang maaapektuhan ng mga kaso ng demolisyon at ebiksyon sa Barangay Gahonon, Daet, Camarines Norte noong ika-21 ng Abril 2022.
Ipinaliwanag ng Komisyon ang proseso ng Pre-Demolition Conference (PDC) at nasasaad sa Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act (UDHA) na tumitiyak sa karapatan ng mga itinuturing na “underprivileged and homeless citizens” para sa pagkamit ng makatao at makatarungang demolisyon at ebiskyon.
Tinalakay rin ang tungkol sa socialized housing program na maaaring option ng mga apektadong pamilya bilang solusyon upang sila'y hindi na mapaalis sa lupang kanilang tinitirhan.
Nagsagawa rin ng koordinasyon ang Komisyon sa Lokal na Pamahalaan ng Daet at sa Pamahalaang Barangay ng Gahonon upang ipaalam ang sitwasyon ng mga apektadong pamilya. ###
via | PCUP Luzon
PCUP FODV, nakiisa sa RIATC Meeting ng PRLEC
22 Abril 2022
Bilang kasapi ng sub-cluster on Institutional Development of the Poverty Reduction Livelihood and Employment Cluster (PRLEC), sa pangunguna ng TESDA, nakibahagi ang PCUP – Field Operations Division for Visayas (FODV) sa ginanap na Regional Inter-agency Coordination Meeting noong Abril 19 sa One Central Hotel, Cebu City.
Sa pagtatapos ng naturang pulong, nagkaroon ng “Signing of the Pledge of Commitment” sa pagitan ng mga member-agencies na tanda ng pagsuporta ng mga ito sa implementasyon ng EO No. 70. ###
via | PCUP Visayas
PCUP FODV, nagsagawa ng consultation meeting sa Dampas, Tagbilaran
22 Abril 2022
Nagsagawa ng isang consultation meeting ang PCUP – Field Operations Division for Visayas (FODV) sa Purok 3, Barangay Dampas, Tagbilaran noong ika-20 ng Abril para sa 22 miyembro ng Divine Mercy Neighborhood Association.
Naging pokus ng talakayan ang pormulasyon at pag-apruba sa “Constitution and By-laws” ng organisasyon gayundin ang pagproseso ng kanilang aplikasyon para ma-accredit ng PCUP. ###
via | PCUP Visayas