CBP on Conflict Management, inihatid ng PCUP FODL sa Daet
22 Abril 2022
Naghatid ng isang Capability Building Training ukol sa “Understanding and Managing Conflict” ang PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) noong ika-20 ng Abril para sa iba’t ibang maralitang samahan na miyembro ng Daet Urban Poor Federation sa Daet, Camarines Norte.
Dito ay tinuruan ang mga participants na maging isang magaling na mediator. Ipinaliwanag din ang mga mahahalagang elemento upang epektibong maproseso ang pag-aayos ng sigalot—problem, demand, needs, interest, and request, na kanilang nagamit sa ginawang role playing.
Sinamantala na rin ng Komisyon ang pagkakataon na maibahagi ang iba pang programa at serbisyo nito gaya ng Accreditation, PCUP Three (3) Priority Programs, at Scholarship Program katuwang ang TESDA. Ayon sa PCUP, mayroon nang mahigit 130 maralita na naendorso sa TESDA para maging mga iskolar ng Driving at Welding Courses.
Bukod dito, nagbigay rin ng oryentasyon ang PCUP sa mga dumalo ukol sa proseso ng Pre-Demolition Conference (PDC) lalo na’t may iilan sa mga pamilya sa lugar na humaharap sa prob seguridad sa paninirahan. Minabuti rin ng Komisyon na mailapit ang sitwasyon ng mga residente Urban Development Housing Committee na nakibahagi rin sa programa. ###
via | PCUP Luzon
PCUP FODL, naghatid ng Conflict Management CBP sa Daet, CamNor
20 Abril 2022
Muling naghatid ng isang Capability Building Program na may temang “Understanding and Managing Conflict” para sa iba’t-ibang urban poor organizations (UPOs) at persons with disabilities (PWD) mula sa Brgy. Calasgasan, Daet, Camarines Norte ang PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) noong ika-19 ng Abril.
Isa sa mga layunin ng Komisyon, sa pangunguna ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano ay maibaba ang mga kahalintulad na programa at serbisyo sa mga maralitang tagalungsod upang mabigyan ang mga ito ng kaalaman ukol sa iba't-ibang mekanismo sa ‘negotiation at mediation’ para sa pagsasaayos ng mga sigalot sa kani-kanilang samahan at pamayanan.
Nagbahagi naman ng kani-kanilang karanasan ang mga dumalo ukol sa mga sigalot o conflict sa kanilang pamilya, mga kapit-bahay, o maging sa komunidad.
Natutunan din ng mga ito ang paggamit ng non-adversarial communication o ang tinatawag na language of compassion. Isa ring role playing at dramatization ang isinagawa upang lalong mapalalim ang pag-unawa sa conflict management.
Nagkaroon din ng open forum kung saan ibinahagi ng mga dumalo ang kanilang isyu patungkol sa kasiguruhan sa paninirahan at mga taxes para sa individual lot title gayundin ang kanilang katanungan hinggil sa socialized housing program. ###
via | PCUP Luzon
PCUP FOD-NCR, naghatid ng CBP on Paralegal sa Pasay
20 Abril 2022
Sa pangunguna ng PCUP – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) ay isang Capability Building Program (CBP) on Paralegal ang naihatid para sa mga opisyales at miyembro ng magkakaibang maralitang samahan mula sa Pasay City noong ika-18 ng Abril.
Ang naturang programa ay pinangasiwaan nina Mr. Harlon Agsaoay, Mr. Arjay Jimenez at Mr. Winston Morella ng PCUP NCR na nagsilbi ring tagapagsalita.
Sa pagtatapos ng programa ay nagpaabot ng kanilang pasasalamat sa PCUP ang lahat ng mga dumalo dahil sa mga bagong kaalaman na kanilang natutunan mula sa pagsasanay. ###
via | PCUP NCR
GAD orientation, ibinahagi ng PCUP FOD-NCR sa Malabon
20 Abril 2022
Isang oryentasyon ukol sa paksang Gender and Development (GAD) ang ibinahagi ng PCUP – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) noong Abril 19 para sa mga urban poor leaders at ilang miyembro ng iba’t ibang urban poor organizations (UPOs) mula sa Malabon City.
Ayon kay PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, nilalayon ng programa na buksan ang kaisipan ng mga maralitang tagalungsod ukol sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa komunidad para sa mas maayos na lipunan.
Naging tagapangasiwa ng programa sina Ms. Rosario Nenita Mancile at Mr. Arjay Jimenez ng PCUP NCR kasama si Doc Leah S. Corpuz ng LASC Learning Solutions na tumalakay patungkol sa VAWC o ang Anti Violence for Women & Children Act of 9262. ###
via | PCUP NCR
CBT on Leadership, pinangasiwaan ng PCUP FOD-NCR para sa mga UPO leaders ng Mandaluyong
20 Abril 2022
Nangasiwa ng isang Capability Building Training on Leadership ang PCUP – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) noong Abril 13 para sa mga lider at miyembro ng iba’t ibang urban poor organizations (UPOs) sa Mandaluyong City.
Nagsilbing mga tagapagsalita at tagapangasiwa ng programa sina Mr. Lucito Mallari, at Mr. Arjay Jimenez ng PCUP NCR katuwang si Mr. Jojo Blanco ng UPAO Mandaluyong na tumalakay sa nasabing paksa. ###
via | PCUP NCR