PCUP ResU, naghatid ng CBP, BOS sa Bondoc Ville, Sto, Tomas, Pampanga
20 Abril 2022
Muling bumisita ang PCUP – Resettlement Unit (ResU) sa Bondoc Ville, Barangay Sapa, Santo Tomas, Pampanga nitong Abril 18 upang maghatid ng Capability Building Training on Chicken Galintina Making at oryentasyon ukol sa mga programa at serbisyo ng Komisyon gaya ng Three (3) Priority Programs nito para sa mga residente ng pabahay.
Kabilang sa mga lumahok sa programa ay mga dating informal settler families (ISFs) na naapektuhan ng mga railway projects at nakatira sa mga danger zones mula sa nasabing bayan. Kaugnay nito, naghandog ng mga programang pangkabuhayan ang PCUP sa mga pamilya sa lugar.
Samantala, nakibahagi rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa National Housing Authority (NHA), Department of Transportation (DOTr), at Pamahalaang Lokal ng Santo Tomas. ###
via | PCUP Resettlement Unit
PCUP FODM, nagsagawa ng coordination meeting sa mga LGU ng Camiguin ukol sa PCUP Mini Caravan
20 Abril 2022
Tinungo ng PCUP- Field Operations Division for Mindanao (FODM) ang isla ng Camiguin nito lamang Abril 18 at 19 upang magsagawa ng koordinasyon sa lokal na pamahalaan at ibat-ibang ahensya ng gobyerno bilang paghahanda sa gaganaping PCUP Mini-Caravan sa lugar na isa sa mga inisyatiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano.
Dito ay nakipagpulong ang PCUP sa Lokal na Pamahalaan ng Mambajao, Camiguin sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Mr. Atanacio P. Lusdoc, Jr. at si Punong Barangay, Grover C. Dablo ng Barangay Yumbing upang talakayin ang mga paghahanda para sa nasabing programa.
Nagsagawa rin ng koordinasyon ang Komisyon sa TESDA, DTI, DOLE, DSWD, PAO, PNP at AFP para kunin ang suporta ng mga ito sa pagsasakatuparan ng naturang caravan. ###
via | PCUP Mindanao
PCUP ResU, nakiisa sa general assembly ng PCUP-RPG Ville sa Antipolo, Rizal
20 Abril 2022
Naimbitahan ng homeowners’ association ng PCUP – Rizal Provincial Government (RPG) Ville sa Barangay San Jose, Antipolo, Rizal ang PCUP – Resettlement Unit para sa general assembly at eleksyon ng nasabing samahan na ginanap noong Abril 16.
Ang PCUP-RPG Ville ay isa sa mga proyekto ng PCUP na may layuning mabigyan ng sariling lote ang mga maralitang tagalungsod na naging biktima ng ebiksyon at demolisyon.
Iniulat ng mga HOA leaders sa naturang gawain ang kanilang naging accomplishment at financial status sa nakaraang taon.
Matapos nito ay naisagawa ang kanilang HOA election.
Sinisiguro naman ng PCUP, sa ilalim ng pamumuno ni Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na patuloy ang paghahatid ng mga serbisyo ng Komisyon sa mga residente ng nasabing pabahay. ###
via | PCUP Resettlement Unit
PCP FODL, nagsagawa ng pulong para sa 20 apektado ng demolisyon sa Bayombong, Nueva Vizcaya
20 Abril 2022
Pinulong ng PCUP – Field Operations Division for Luzon ang mga lokal at pambansang ahensya sa Bayombong, Nueva Vizcaya kahapon, ika-19 ng Abril, kasama ang higit 20 apektado ng isang kaso ng ebiksyon at demolisyon.
Sa isinagawang Pre-Demolition Conference (PDC), muling hiniling ng PCUP sa MSWDO na magsagawa ng socio-economic profiling para sa mga apektado upang matukoy ang karampatang tulong ng mga ahensya para sa kanila.
Ayon sa MSWDO at NHA, wala umanong nakahandang relokasyon sa bayan ng Bayombong para sa mga maaapektuhan. Gayunman, pag-aaralan ng MSWDO ang pagbibigay sa kanila ng tulong pinansyal.
Kaugnay nito, alinsunod sa requirements ng Republic Act 7279 at sa inilabas na PDC Guidelines ng PCUP, pansamantala munang sinuspinde ng Komisyon ang pulong at nakatakdang ipagpatuloy sakaling handa na ang socio-economic report mula sa MSWDO at sertipikong patunay ng kahandaan naman ng tulong pinansyal para sa mga apektado. ###
via | PCUP Luzon
PDC, isinagawa ng PCUP FODL sa Dasmariñas, Cavite
20 Abril 2022
Nagsagawa ang PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) ng isang Pre-Demolition Conference para sa may higit na 10 pamilyang maaapektuhan ng Writ of Demolition sa Brgy. Salawag, Dasmariñas, Cavite noong ika-13 ng Abril.
Alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2008-143, ang PDC ay isang requirement bago makapag-issue ng police assistance sa bawat pagpapatupad ng demolisyon at ebiksyon na kinakaharap ng mga underprivileged and homeless citizens.
Binigyang pagkakataon sa PDC na maihayag ng mga apektadong pamilya ang kanilang isyu at concern gayundin ay masiguro ang kanilang karapatan sa makatao at makatarungang pagpapatupad ng demolisyon at ebiksyon batay sa Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act (UDHA). Tinitiyak din nito ang pagsunod sa Section 28 ng nasabing batas kung saan kinakailangan ang probisyon ng relokasyon o ng financial assistance para sa mga apektadong pamilya.
Ayon sa CSWDO, ang financial assistance para sa mga apektadong pamilya ay kanilang idudulog sa tanggapan ng kanilang Mayor. Nakatakda rin itong magsagawang muli ng balidasyon sa darating na Abril 21 upang alamin ang kwalipikasyon ng mga apektadong pamilya bilang benepisyaryo ng UDHA. Naatasan din ito na magsumite ng Certificate of Availability of Financial Assistance. ###
via | PCUP Luzon